Eloisa Lyn C. Cristobal BSEd-3rd Year FILIPINO: Kaligirang Pangkasaysayan ng Maikling Kwento Umunlad ang maikling kuwento noong panahon ng Amerikano. Nagkaroon ito ng sariling pitak sa mga pahayagang Muling Pagsilang at sa dahong Tagalog ng El Renacimiento. Ang ilan sa mga nakilalang kuwento sa panahong ito ay: 1. Dagli - tinatawag sa Ingles na sketches. Ito ay naglalahad. Ng mga sitwasyong may mga tauhang nasasangkot ngunit walang aksyong umuunlad at pawing mga paglalarawan lamang. Ito ay tahasang nangangaral at nanunuligsa. 2. Pasingaw - nag-aanyo ring maikling kuwento ngunit hindi rin ganap ang banghay. Ito ay naglalayong maihandog ang katha sa babaeng pinaparaluman o siyang inspirasyon ng manunulat. Ang pangalan ng may-akda ay hindi inililimbag dahil karaniwan na na ito ay may asawa. Ito ay naglalayong mangaral ng diretsahan. 3. Kuwentong bitbit (salaysay) – dito nag-ugat ang Maikling kwento - maiikling salaysay na pumapaksa sa mga anito, lamanlupa, malikmata, multo at iba pang mga bunga ng guniguning di kapanipaniwala. 4. Kuwentong Komersyal (pangaral)– sumulpot sa paglaganap ng Liwayway. Ito ay pinagugatan ng maikling katha. 5. Kakana (kasaysayang pampatawa) – - naglalaman ng mga alamat at engkanto - panlibang sa mga bata
Deogracias A. Rosario - tinaguriang "Ama ng Maikling Kuwento". MGA URI NG MAIKLING KUWENTO 1. SALAYSAY - ang uring ito'y walang katangiang nangingibabaw, timbang na timbang ang mga bahagi, hindi nagmamalabis bagamat masaklaw maluwag ang pagsasalaysay at hindi apurahan. 2. KUWENTO NG KABABALAGHAN - binibigyang kasiyahan sa kuwentong ito ang ating pananabik sa mga bagay na katakataka at salungat sa wastong bait at kaisipan. Karaniwang lildra lamang ng mayamang guniggni ng may-akda. 3. KUWENTO NG KATUTUBONG KULAY - binibigyang-diin ang kapaligiran ng isang pook. Ang tagpuan ang higit na
binibigyang-pansin. Inilalarawnn ang mga tao sa isang pook, ang kanilang pamumuhay at hanapbuhay, mga gawi, mga kaugalian at rnga paniniwala. 4. KUWENTO NG KATATAWANAN - may kabagalan at ilang paglihis sa balangkas ang galaw ng mga pangyayari. 5. KUWENTO NG TAUHAN - nagbibigay-rliin sa mga tauhan. 6. KUWENTO NG KATATAKUTAN - Ang damdamin, sa halip na ang mga kilos ang binibigyang-diin. Pinupukaw ang damdamin ng mambabasa at ang mahalaga ay ang bisa at kaisahan. 7. KUWENTO NG PAKIKIPAGSAPALARAN - ang kawilihan ay nasa balangkas sa halip na sa mga tauhan ng kuwento. Ang kawilihan ay nababatay sa mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan sa kuwento. 8. KUWENTO NG MADULANG PANGYAYARI - kapansinpansin ang pangyayari sa ganitong uri ng kuwento. Ang pangyayari'y lubhang mahalaga at nagbubunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan sa kuwento. 9. KUWENTO NG TALINO - ang may-akda ay lumililkha ng masuliraning kalagayan sa simula upang mag-alinlangan ang mambabasa hanggang sa sumapit ang takdang oras ng paglalahad. Ang umaakit sa mambabasa uring ito ng kuwento ay ang pagkakabuo ng balangkas sa halip na ang rnga tauhang gumaganap. 10. KUWENTONG SIKOLOHIKO - inilalarawan ang mga tauhan sa isipan ng mambabasa. Ang suliranin ng may-akda ay maipadarama sa mambabasa, ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari.
FILIPINO: Kaligirang Pangkasaysayan ng Maikling Kwento KALIGIRANG PANGKASAYSAYSAN NG MAIKLING KUWENTO Kuwentong bitbit (salaysay) – dito nag-ugat ang Maikling kwento - maiikling salaysay na pumapaksa sa mga anito, lamanlupa, malikmata, multo at iba pang mga bunga ng guniguning di kapanipaniwala. Kakana (kasaysayang pampatawa) – sumulpot pagdating ng Espanyol - naglalaman ng mga alamat at engkanto - panlibang sa mga bata
Pasingaw Ang kapatid ng bayan – Pascual Poblete Ang kaliwanagan – Lope K. Santos Dagli – binahiran ng pangangarap, panunuligsa at pagpapasaring. Nagpapahayag ito ng pagmimithi ng Pilipino ng kalayaan
Elias – Rosauro almario - nanalo sa patimpalak - lumabas sa pahayagang “ang mithi” Sumilang ang Liwayway at ang dagli ay naging kwento. Clodualdo del Mundo - nagsimulang mamina ng kwento sa kanyang Parolang Ginto Alejandro Abadilla - Talaang Bughaw Deogracias Rosario - ama ng maikling kwentong Tagalog Kuwentong Komersyal (pangaral)– sumulpot sa paglaganap ng Liwayway. Ito ay pinagugatan ng maikling katha.
1. 2. 3. 4. 5. 6.
Ang Pinakamabuting Maikling Kathang Pilipino – koleksyon ng mabubuting kwento G. Agoncillo – nagsabing taglay ng mga yon ang: Katimpian sa pagtalakay ng paksa Pamamayani ng panloob na pangyayaring madula Kawalan ng banghay ng mga kwento Pagpaksa sa mga bagay o pangyayaring winalang-kabuluhan ng lumang paaralan Pagtatangkang magkaroon ng iba’t ibang paraan ng pagsasalaysay Kalawakan ng panigin ng mga manunulat ngunit kawalan ng kabatiran sa mabibisang damdamin at kaisipan 7. Magandang kapayakan ng mga pangungusap na hindi mabulaklak at hindi umuulit sa pananalitang hapo na sa madalas ng pagkakagamit 8. Di maiwaiwasang paghanay ng mga pangungusap ng himig-Ingles
Mga Kwentong Ginto - Alejandro Abadilla at Clodualdo del Mundo - naglalaman ng mabubuting kwento
50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista - sumunod sa Mga Kwentong Ginto
Mga Piling Katha - G. G. Abadilla
SYEYRING
ni Jun Cruz Reyes Malulungkot ba ka mo, Ka Vergel ang buhay kapag malayo ang iniwanan? Ang maputol sa pusod na nag-uugnay sa inunan? Siguro Ka Vergel, ako’y nakalutang, sa hangi’y walang salay na matanaw may pakpak ako ngunit walang uuwian ang iniwa’y alaala ang kasama’y aninong hindi maiwalay. Iba kita ng kagubatan bumabaha ng tao, umaagos kaliwat-kanan walang tigil, walang direksiyon ang walang mukhang dagat ng mga mukha, iyon ang aking pinanggalingan. Gusali ang aking mga puno’t kuweba nakakalat, nakahilera, ngunit kulang sa maraming ibong ligaw Ang mga maya ko’y inihuhuni ng mga tambutso ng bus at jeepney ng mga makina sa pabrika ng mga sipol at silbato ng sirena Kung minsan’y parang ibong tinirador, may dugo ang musikang pumuputol ng kamay at paa, ng buhay
ng mga ibong naghahanap ng matutuka. Sa mga pabrika, may dugo sa pinggan ng pamilyang naiwan, may dugo ang musika ng mga pinaslang pinapaslang at nabubuhay sa paghahanap ng ikabubuhay. Malungkot Ka Vergel maging saksi sa mga di inabot ng katas ng hininga sa mga ampunan, ospital at kulungan maging sa mga lansangan at loob ng bahay. May mga nagdarahop, may nagdarahop sa bituka may nagdarahop sa kaisipan, at sa dulo’y may libingang naghihintay. May rangya pa rin sa paligid sa mga kuweba ng mga santo, santito at santa. Narinig mo na ba ang alamat ng tatlong libong sapatos na iniwan ng isang alupihan? Ang asawa nito’y si kamatayan na may buto at lamang tumatakot pa rin hanggang sa kasalukuyan. Ang halakhak nila’y tumataginting, mas malakas sa lindol at bagyo parang delubyong walang sini-sino. Masisira ang masisira kapag pita’y sinagkaan. Silang mababangis ay may kamandag ang isip at may pangil sa dila, bawat galaw nila’y nagbabadya ng pinsala. Tumakas na nga ang kampon ng kadiliman ang naiwa’y mga galamay at anino at buo pa rin ang puwersa ng kanyang putting anito. Wala, wala Ka Vergel, walang puno di damong silungan o kublihan sa aspaltado kong gubat nagkalat ang karahasan wala kang pagtataguan di dadapuan na hindi ka magugurlisan. Hindi batas ng kalikasan iyon ay tradisyong kinagisnan iyon daw ang dikreto ng kaayusan kaya dapat ipatupad at igalang. Kay hirap intindihin ng mga modernong milagro, ang mga tao’y naging hayup at insekto; mga palakang kokak na nagsasatinig sa boses ng malalakas,
mga buwayang puti at kulay kape nag-aaway-nagtatalo subalit parating magkakampi sa huli. Mayroon ding gagambang-bahay, gagambang-pari may bulik, maputla at maputi pero iisa ang kanilang katangian ang sapot ay sa maliit ang butas ay sa malaki at patay ang mahuli. Mayroon ding nagsa ipis, langaw, daga, lamok. Sila ang mga taong bawal silang hindi mahalaga sa iniskrinang lipunan. Hindi linta Ka Vergel ang tawag sa mga taong sumisipsip sa dugo ng maliliit hindi rin bampirang kamag-anak ni Dracula. Takot sila sa liwanag na pula ang kadiliman ng gawa, o ng isip at mata ang kadahilanan ng pagsasamantala. Hindi subay o niknik lamang ang mahilig mangagat may mga taong-asong simbangis ng amo, turuan silang kumain ng kapuwa tao. Tutoo rin Ka Vergel ang mga balita, may mga naglalakad na naligaw may natutulog na binangungot may nagising sa singasing ng bala may natauhan sa torture may nadapa, may napahilata may tumakas, may nakaligtas ang huli, sabi mo’y mga kasamahan na nita. Malungkot Ka Vergel ang mabuhay sa bayang inaari ng iba, kami man sa aming gubat ay may tinig umaalingawngaw ding tulad ng bala. Sa aming pagtutol kung minsa’y may nasasalanta kung minsa’y sa puso tumitimo ang marahas na babala. Dibdib lamang ang nawiwindang katawan ang hahandusay ngunit ang diwa’y hindi mapapaslang Nalulungkot ako Ka Vergel, kapag naiisip na ang pagtigil ko’y panandalian lamang nahihiya akong pagtutol lamang ang alam samantalang kayo’y bumubuhay na sa tinaguriang mundong bawal. Ako, kami Ka Vergel, kapatid mo rin sa malaot-madali’y makakasama.
Turuan mo akong lumimot ng lungkot hindi kita magkukuwento tungkol sa pantasya hindi rin kita magsasayaw ni kakanta. Pahiramin mo ako ng iyong laruan umpisahan natin sa pagkakalas at paglilinis nang paglalagay ng bala at pagpuntirya isabay natin sa pagbabaklas at paglilinis sa buhay kong binurgis. Katayuan ng maikling kwento Kakaibang mga hamon ang ibinunga ng kalakarang panlipunan nang si Deogracias A. Rosario (o DAR) ay pumagitna sa daigdig ng panulatan. Bagamat halos dalawang dekada pa lamang ang dispensasyong kolonyal ng Amerika (nang malathala ang mga unang akda ni DAR) mahihinuhang makapangyarihan ang bisa ng kulturang iniluwal ng bagong sistemang panlipunan, sampu ng kanyang iba't ibang mga institusyon, na naglayong muling isaayos ang pambansang kabuhayan at kalakaran. Isinapaw ang mga ito sa kaayusang matagal nang nailatag ng nagaping mga mananakop na Kastila; at ang pinakapusod ng ganitong mabilis na pagbabago ay ang Kamaynilaan. Dagdag sa realidad na ipininta ni Dar sa kanyang mga kuwento, hayaang gamiting reperensiya ang mga peryodiko't lingguhang lathalain, kagaya ng Buntot Pagi ,Photonews at Liwayway bilang tulong sa paglalarawang-isip at muling pagbibihag sa kalakarang panlipunan ng naturang panahon Maituturing na ang sensibilidad na nagluwal sa mga maikling kuwento ni Deogracias A. Rosario ay supling na ng bagong panahon. Ngunit ang kaligirang pinagmumulan ng buhay ng naturang sensibilidad ay napapagitna sa dialektika ng pag-usbong ng bagong kultura at paglaho ng luma, ang mabilis na pag-aangkop ng kalakarang panlipunan at ang mabagal na pagtugon ng kamulatan sa tinakdang modernisasyon. Sa larangan ng panulatan, mahihinuhang ang makalumang poetika ay masugid na naglalagay ng mga hadlang sa pamumukadkad ng modernong estetika. Mistulang Bernardo Carpiong namamagitan sa dalawang nag-uumpugang pader na napapagitna ang sining ni Deogracias A. Rosario sa matinding tensyong ito. At ang ganitong maselang kalagayan marahil ang ibig tukuyin ni Gng. Matute nang sabihing si Deogracias A. Rosario ay "napagitan o transisyon sa panahon ng mga manunulat na hayagang nagpalitaw ng kani-kanilang moraleha sa kanilang mga akda at sa panahon ng 'sakdalista't aristokratang Samahan ng Panitikan' na lantarang naghimagsik sa mga paksa at pamamaraan ng mga matatanda." [Genoveva Edroza-Matute: "Deogracias A. Rosario, Ama ng Maikling Kathang Tagalog," The Urian Lectures III ng Philippine Studies , tomo 19, blg. 2, Abril 1971, pah. 341-372]. Sa ganitong pekulyar na konteksto maaaring pahalagahan ang mga maikling kuwento ni Deogracias A. Rosario. Mula sa kanilang masinop na kontekstuwalisasyon, hanggang sa pagpapagalaw ng proseso ng buhay panlipunan, waring mapapansin, kagaya ng ipinamalas ng mga gumaganap na tauhan, na nagpupumiglas na makawala ang panitikang ito sa nakasasakal na higpit ng kapit ng lumang kumbensyong moral at sosyal na dominanteng kalakaran pa rin sa panulatan; samantalang pinupuna naman nang buong kaalistuhan ang wari'y dekadente't walang iniintinding kaluwagan sa asal ng panlipunang paligid. Sa loob ng mahigit na dalawang dekada ng pagsusulat ay nanalaytay ang ganitong bagong pagdulog at kadalasa'y bawal na paglalarawan ng pag-ibig sa halos isang daang maikling kuwento ni Deogracias A. Rosario. Hindi lamang sa tema mahihinuha ang ganito, pati na sa ibang aspekto ng naturang anyong pampanitikan. Binigyan ng bagong anino ni Deogracias A. Rosario ang sining na wari'y kinakaladkad na lamang ang sarili para makausad sa pluma ng mga manunulat na nagpipilit ikulong ang naturang diskurso sa mga parametro ng lumang tradisyon. Marahil, kung Amerikano o Europeyanong manunulat si Deogracias A. Rosario, madaling ilalatag siya sa hanay ng mga modernista