TAON-TAON 2. PANLUNAN 3. WALANG PANANDA 4. PAMBANSA 5. NAGTITIPON-TIPON 1.
abay na Pamanah on
ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
Napapangkat ang ganitong uri ng pangabay: (1) yaong may pananda at (2) yaong walang pananda.
Gumagamit ng nang , sa, noong, kung, tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang bilang mga pananda ang pang-abay na pamanahon
Mga halimbawa:
1. Kailangan ka bang pumasok nang arawaraw?
2. Inaasahan tayo roon sa gabi, hindi sa araw.
3. Tuwing Pasko ay nagtitipontipon silang mag-anak.
May
mga pang-abay na pamanahon na walang pananda tulad ng kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali at iba pa.
Mga halimbawa:
1. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino.
2. Ipinagdiriwang ngayon ng Makati ang ika-262 anibersaryo ng kaarawan ni Gabriela Silang.
ay tumutukoy sa pook na pinangyarihan, pinangyayarihan, o pangyayarihan ng kilos ng pandiwa.
Karaniwang ginagamitan ng pariralang sa/kay ang ganitong pangabay .
Sa
ang ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip.
Pambalana- salita para sa mga uri ng pook, tao o bagay Hal. guro, inumin, kainan
Ang
pangngalang pantanging ngalan ng pook o bagay ay pinangungunahan ng sa.
Kay o ang maramihan nitong kina, ang ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao.
Mga halimbawa:
1. Binuksan ni Margarette ang pinto sa kusina.
2. Pakikuha kina Jillian at Honey Lord ang bayad sa bangus.
3. Pakibigay na lang ang sukli kay Dionisio.
MAIKLING PAGSUSULIT
PANUTO: TUKUYIN ANG PANG-ABAY NA PAMANAHON SA LOOB NG PANGUNGUSAP. SAGOT NA LAMANG ANG ILALAGAY SA SAGUTANG PAPEL.
HALIMBAWA: 1. Sumakit ang tiyan ni Ledong sa sasakyan kanina. Sagot: kanina
PANUTO: TUKUYIN ANG PANG-ABAY NA PANLUNAN SA LOOB NG PANGUNGUSAP. SAGOT NA LAMANG ANG ILALAGAY SA SAGUTANG PAPEL.
HALIMBAWA: 1. Sumakit ang tiyan ni Ledong sa sasakyan kanina. Sagot: sa sasakyan
1. Kina Aldred at Decerie tayo gagawa ng proyekto mamayang gabi.
2. Ibinigay sa akin ni Mariel ang hawak niyang lapis kanina.
3. Magbabasa tayo ng aklat sa silidaklatan tuwing makalawa.
4. Nagtungo ang pamilya Francis sa Baguio noong nakaraang buwan upang magbakasyon.
5. Nagbabakasyon ang pamilya Nava sa Singapore taontaon.
6. Mamayang gabi na natin hanapin kina Hannah ang nawawalang antinganting ni Mark.
7. Bumili ako ng tawas kay Ledong.
8. Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina tuwing umaga.
9. Sa bahay balak makiligo ni Jinky mamaya.
10. Sumayaw kami kahapon sa palatuntunan.
GUMAWA O BUMUO NG MGA PANGUNGUSAP NA MAY PANG-ABAY NA PAMANAHON AT PANLUNAN PANG-ABAY NA PAMANAHON
PANG-ABAY NA PANLUNAN
1. 2. 3. 4. 5.
1. 2. 3. 4. 5.