BAGONG BAYANI NI Joseph Salazar
Ilarawan mo ang mga sumusunod na tauhan ng kuwento. Sino sila? Ilahad mo ang kanilang mga katangian (prinsipyo/pananaw, ugali, damdamin, atbp.). • Lea • Aling Clara • Ka Ore • Mga kababayan
Paano pinahahalagahan ng mga kababayan niya si Lea? Bakit ganoon na lamang ang paguusap-usap nila tungkol sa dalaga? Ano ang ipinahihiwatig nito sa pagpapahalaga ng mga Filipino sa mga OFW sa kasalukuyan?
Sa talata pito at labing anim, bakit kaya nakinig nang maigi at hindi na nagsalita ang mga tao noong magkuwento si Ka Ore sa kasalan, kahit pa nga gusto rin nilang makausap si Lea at kahit na iniimbento na lamang ng matanda ang ilan niyang sinasabi?
Napakaraming maiinit na isyu tungkol sa pangingibang-bayan ng mga Filipino. Bilang pagtugon sa tekstong iyong binasa, tatalakayin ninyo sa klase ang mga isyung ito sa pamamagitan ng mga pangkatang-gawain.
PANGKATAN
Pangkat 1: Mga Panganib ng Pangingibang-bayan (Pagbabalita)
Pangkat 2: Ang Pamilya ng mga OFW (Duladulaan)
Pangkat 3: Brain Drain? World Class Filipinos? (Debate)
Pangkat 4: Kahirapan at Kawalan ng Trabaho sa Filipinas (Talk Show)
1. Paano hinarap ni Lea ang pagdedesisyong mangibang bansa gayong hindi niya alam kung anong maaari niyang maging buhay doon? A. Nagpakatatag siya at nilakasan ang loob para sa kanyang pamilya. B. Nagmayabang siya sa kanyang mga kababayan dahil alam niyang sa kanyang pag-aaplay na iyon ay matatanggap agad siya. C. Wala siyang pinakinggan mga paalala dahil niyang hindi iyon makakatulong. D. Nagmalaki siya sa kanyang sarili at sa kanyang mga kaibigan at naniwalang maswerte sya sa pangingibang bansa kaya hindi na sya nagdalawang isip pa.
2. Bakit kailangan ni Lea mangibang bansa sa mura nyang edad na de siotso anyos? A. Dahil gusto niyang makarating doon at makapamasyal. B. Dahil gusto ni Lea mahanap doon ang kanyang mapapangasawa. C. Dahil gusto ni Lea mahanap ang kanyang magandang kapalaran doon para makatulong sa pamilya. D. Dahil gusto ni Lea na doon tumira ng matagal upang makaiwas sa kahirapan dito sa Pilipinas.
3. Bakit ganun na lamang kaasikaso si Aling Clara para madaliin ang kanyang pag-alis dito sa bansa? A. Dahil alalang-alala siya sa kanyang anak na baka masayang ang pera nila kung hindi niya aasikasuhin. B. Dahil alam niyang makakatulong yun sa kanya para mabawas ang kanyang intindihin sa kanilang bahay. C. Dahil ayaw na niyang Makita ditto sa Pilipinas si Lea D. Dahil alam niyang mas lalong masusunod ang kanyang kagustuhang mabili ang mga bagay na gusto niya at maituloy ang luho sa sarili.
4. Bakit kinailangan makinig ni Lea sa mga paalaala at payo ni Ka Ore? A. Dahil si Ka Ore ay ipinadala ng embahada para paalalahanan si Lea. B. Dahil naranasan na ni Ka Ore ang mangibang bansa at alam na niya ang mga dapat at di dapat gawin para matanggap sa pag-aaplay. C. Dahil si Ka Ore ay may mataas na katungkulan sa bansang pupuntahan ni Lea. D. Dahil gusto lamang ni Ka Ore magmayabang na kahit hindi pa siya nakakarating sa ibang bansa ay alam na alam niya ang mga bagay na dapat malamanni Lea sa pangingibang bansa.
5. Paano tinanggap ni Lea ang kasawiang hindi pagtanggap sa kanya sa embahadang kanyang pinag-aplayan? A. Nanatili siyang tahimik sa pag-uwi sa kanilang bahay at hindi niya inisip na ito ay kasawian bagkus ay bagong pag-asa para sa kanya. B. Ipinamalita niya sa buong San Joaquin ang nangyari sa kanya. C. Sinisisi niya si Ka Ore at ang kanyang ina sa hindi pagtanggap sa kanya dahil dahil mali ang ipinayo ng mga ito. D. Nagkaroon ng pagdiriwang sa kanilang bahay hudyat na hindi kasawian sa kanyang magandang kapalaran ang nangyari.