Pormal na salita- ito ay tumutukoy sa salitang standard na ginagamit ng mga nakapag-aral sa wika. Ito ay mas koplikado kaysa sa ginagamit sa araw araw.
Impormal na salita-ito ay tumutukoy sa mga salita hindi standard na salita na ginagamit natin sa pang araw-araw,karamihang gumagamit nito ay ang mga teenager ngayon,at mga LGBT na nahihilig magsalita ng mga salitang pabalbal.
Halimbawa ng Pormal na salitang Pampanitikan: Tantuin – na nangangahulugan ng alamamin Natalastas – na nangangahulugan ng nalaman Alipusta – na nangngahulugan ng laitin Naparool – na nangangahulugan ng nasawi Singkad – na nangangahulugan ng ganap
Halimbawa ng Pormal na salita na Pambansa: Kapatid Kaibigan Awa Kalaban Saya Tahimik Paaralan Uri ng Pormal na salita: Pambansa- tumutukoy ito sa mga salita na ginagamit sa pagtuturo sa paaralan,maging sa pagbabalita at pagsusulat ng aklat,at sa lahat ng usapan na kinakailngan ng pormal na salita.
Pampanitikan- ito ay tumutukoy sa mga salita na ginagamit ng mga manunulat,na kung iyong susuriin ay may roong malalalim na kahulugan at hindi basta basta nauunawaan ng mga taong walang sapat na pinag aralan.
Uri ng di-pormal na salita:
Lalawigan - ito ay tumutukoy sa mga salita na kilala lamang sa mga pook na pinanggalingan nito,kung ito ay iyong papakinggan kakatwang meron itong ibang bigkas at tono.
Halimbawa:
Inang Ingkong Bana Katipan Balbal -ito ay kilala rin sa tawag na salitang kanto o kalye,ayon sa matatanda at mga may pinag aralan ay hindi ito kaayaayang pakinggan,madalas silang naiinis sa tuwing naririnig nila ang mga ganitong salita.
Halimbawa:
Erpat- ama Petmalu-malupit Wapakels- walang pakialam Yosi – sigarilyo Tsikot -kotse Kolokyal - ito ay tumutukoy sa mga salita na halos ay ginagamit natin sa pang araw-araw na pakikipag usap, pero ito ay mayroong kagaspangan at kabulgaran.
Halimbawa:
Ganon – ganoon Dun- doon Sakin- sa akin Pisan- kapisan Konti- kaunti Lika- halika
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/424232#reore