Leksiyon ukol sa Pagsamba ng Kabataan Hulyo 16, 2016
PAGGUNITA SA IKA-102 ANIBERSARYO NG IGLESIA Kaarawan ng Pasalamat
Ang Dapat Ipagpasalamt sa Diyos Ng Mga Hinirang At Ang Inaasahan Ng Diyos Sa Atin Batay sa paksa ng leksyon, sino ang mayroong dapat ipagpasalamat sa Diyos. Tayo bang mga Iglesia ni Cristo sa huling araw ay kabilang sa kanyang mga hinirang. Kaya ano ang isinasagawa natin ngayon?
1. T. Ano ang dapat nating ipagpasalamat sa Diyos bilang Kaniyang mg hinirang? S. Hindi lamang ang mga pagpapalang material; kundi, pati ang mga pagpapalang espirituwal na ipagkaloob ng Diyos sa atin…………………………………………………………….Efe. 1:3(a) MB Sino ang nagkaloob sa atin ng mga pagpapala? Bukod sa pagpapalang material, ano pang pagpapala ang pinagkaloob sa atin ng Panginoong Diyos.
2. T. Ano ang mga pagpapalang espirituwal na ipinagkaloob sa atin ng Diyos? S. Ang ating pakikipag-isa kay Cristo o ang ating pagka-Iglesia ni Cristo…………………..……………………………………...Efe. 1:3(b) MB Alin ang pagpapalang espirituwal ang ating natamo mula sa Diyos. Lahat ba ng tao nagkapalad na maging INC. Kaya marapat ba ipagpasalamat natin ang ating natamong kahalalan.
3. T. Ano pa ang mga pagpapalang espirituwal na dapat nating ipagpasalamat sa Diyos? S. Ang kapangyarihan ibinigay ni Cristo ----kaya nagagawa nating magtagumpay sa lahat ng bagat……………………………..II Cor. 2:14 NLV
Bukod sa ating pagka_Iglesia ni Cristo, ano ang ibinigay ni Cristo kaya nagagawa nating magtagumpay sa lahat ng bagay? Ano ang nagagawa natin dahil sa kapangyarihan ibinibigay ni Cristo?
4. T. Ano ang hindi natin dapat malimutan kaya ipinaaalala ng Diyos sa atin ang mga pagtatagumpay ng Iglesia ni Cristo? S. Napaka-kagila-gilalas ng mga gawa ng Panginoon na naghahayag ng Kaniyang Kaluwalhatian……………………………….Awit 111:1-3(a) NLT Sino ang mga nagkaloob ng mga pagtatagumpay ng INC. Anong uri ng mga gawa ng P.D. ang ipinagkaloob niya sa Iglesia? Kapag sinabing nakapanggigilalas-yon ba pangkaraniwan o natatangi . Dahil natatangi kaninong kaluwalhatian ang nahahayag.
5. T. Ano pa ang dapat nating makilala, kaya di tayo dapat makalimot magpasalamat sa Ditos? S. Ang Kaniyang katuwiran ay hindi magwawakas kailanman. Ang Diyos ay makatarungan at mabuti………………………….......Awit 111:1-3(b)-9 NLT Kaninong katuwiran ang dapat nating makilala. Alina ng di magwawakas kailanman. Ano ang mga kabutihan ng P.D. bukod sa mapagbiyaya? Anong uri ng gawa mayroon ang P.D.? Sino ang marapat nating pasalamatan?
6. T. Kaya, bagaman nakaranas tayo ng mga suliranin, ano ang dapat nating sampalatayanan? S. Manghawak tayo sa pangako ng Diyos sa Sugo at sa pasugong ito sa mga huling araw …………………………………………………..Isa. 41:10 AMP Sa ating buhay dumarating baa ng mga suliranin. Kaninong pangako ang dapat nating panghawakan. Sino baa ng may pangako ng Diyos sa mga huling araw bukod sa Sugo. Tayo bang mga INC ang bunga ng pasugong ito sa huling araw. Kaya alin ang dapat nating panghawakan kahit dumarating ang mga suliranin sa buhay natin.
7. T. Ano ang pangako ng Diyos, kaya hindi tayo dapat matakot, masindak o mabalisa? S. Siya an gating Diyos at Siya ang sasa atin. Gagawin Biya tayong malakas at matatag. Tutulungan at aalalayan Niya tayo……………….Isa. 41:10 AMP
Sino ang sasa atin kaya di dapat matakot, masindak o mabalisa? Ano ang gagawin Niya sa atin matangi sa palalakasin? Sino ang maasahan natin na tutulong at aalalay sa atin? Mayroon ban a di nakapanghawak sa pangako ng P.D.
8. T. Bakit ang iba’y hindi nagawang manghawak sa mga pangakong ito ng Diyos? S. Nanghina ang kanilang loob dahil sa kasalanan ………..…Awit 40:12 TLB Ano ang nangyari sa iba? Ano ang dahilan at nanghina ang loob ng iba?
9. T. Ano naman ang ikinawawala ng tapang at lakas ng loob ng Iba? S. Ang napakaraming bagabag na nakapaligod sa kanila ……Awit 40:12 NLT Bukod sa kasalanan, ano ang ikinawala ng tapang at lakas ng loob ng Iba?
10.T. Maidadahilan ba natin ang mga kabalisahan para itigil na natin an gating mga pagpupuri at pasasalamat sa Diyos S. Hindi. Sapagkat lalong marami ang dahilan para papurihan ang Diyos …………………………………………………………....Awit 42:11(b) TLB Alin ang di dapat maging dahilan sa patigil sa mga pagpupuri at pagpapasalamat sa Diyos? Alina ng higit na marami ang mga kabalisahan o kabutihan ng P.D.
11. T. Ano ang maaasahan ng mga lingcod ng Diyos sa panahong may kabalisahan? S. Ang Diyos ang gagawa ng hakbang; kaya, huwag masiraan ng loob …………………………………………………………....Awit 42:11 (a) TLB Sino an gating maaasahan kung tayo ay may kabalisahan? Ano ang maaasahan natin na gagawin ng P.D. sa ating kabalisahan. Mabuti ban a masiraan o mahinaan tayo ng loob. Sino ang patuloy na dapat natin pangaralan, purihin, pasalamatan?
12. T. Ano ang dapat nating ilakip sa pangaral at papering dapat nating gawin para sa Diyos dahil sa Kaniyang tulong at kagandahang-loob sa atin? S. Pasalamatan natin Siya na may kalakip na handog ……..….Awit 50:23 MB
Ano ang isinasagawa natin ngayon para sa P.D.? Ano ang dal natin upang ilakip sa pasasalamat sa Diyos?
13.T. Ano ang kondisyon ng Diyos sa atin na nagpapasalamat sa Kaniya ngayon upang huwag Niya tayong pabayaan? S. Lubos nating sampalatayanan ang katotothanan, at mahigpit na panindigan ito …………………………………………………..Col. 1:12(a) at 23(a) TLB Alin ang lubos nating dapat sampalatayanan ayon sa kondisyon ng Diyos. Ang lubos na sumasampalataya sa Diyos. Alin ang mahigpit na pinaninindigan?
14.T. Ano ang katotothanan na dapat nating lubos na sampalatayanan at mahigpit na panindigan? S. Na ibinigay ni Cristo ang Kaniyang buhay para sa Iglesia ni Cristo……………………Col. 1:12(a) 23 TLB; Efe. 5:23; Gawa 20:28 Lamsa Sino ang nagbigay ng buhay para sa Iglesia? Mahalaga baa ng ating pagka_INC.
15.T. Ano ang dapat nating ipangako sa Diyos sa ating pagpapasalamat na ito? S. Anuman ang mangyari ay ipagpapatuloy natin ang pagluwalhati at ang sama-samang pagsamba sa Diyos …………………………..Awit 34:1-4 TLB Kanino dapat tayo mangako ngayon sa ating pagpapasalamt? Alin ang dapat ipagpatuloy anuman ang mangyari? Sino ang patuloy nating sasambahin? Alina ng ating pagtatalagahan lubos? Yon bang nagtatalaga sa pagsamba, lumiliban o lagging nasa pagsamba. Yon ba nakatalaga sa pagsamba. Kung may magyaya na mamasyal at oras, araw ng pagsamba, Alin ang dapat uanhing gawin.