Istandard na Wika – Ito ay ang paglalarawan kaugnay sa tunog, salita, at pangungusap o anupamang may kaugnayan sa pambansang wika. Ito ay ang varayting maaaring bumuo sa gamit ng wika sa mga pangmalawakang domeyn sa isang lipunan, gaya na lamang ng wika sa edukasyon, pamahalaan, midya at iba pa. Punto/Aksent at Diyalekto – Ang punto may kaugnayan sa paraan ng pagbigkas ng isang tao gamit ang kanyang wika. Dito maaaring madetermina ang kanyang lugar na pinagmulan. Mga Diyalektong Rehiyonal – Ito ay naglalarawan sa mga identipikasyon ng mga konsistent na katangian ng pananalitang matatagpuan sa isang heograpikong lugar. Mga Pidgin at Creole – Ito ay isang varayti ng isang wika na napaunlad sa kadahilanang praktikal, tulad ng mga pangangalakal, sa mga pangkat ng taong hindi alam ang wika ng iba pa. Ang pidgin din ay produkto ng dalawang magkaibang wika na sinasalita ng dalawang magkaibang tao hanggang sa sila ay makabuo ng sariling wika. Sa katunayan, ang wikang pidgin ay produkto ng ising wika na kung tawagin ay leksifayer. Sa kabilang banda, nagiging creole naman ang isang wika kung ang pidgin ay nasimulan nang matutunan ng isang bata at magamit hanggang sa kanyang pagtanda. Restrikted ang creole kaysa pidgin dahil may mga sinusunod na ritong alituntuning panggramatiko. Rejister – Ang rehistro ng wika ay napakalaki ng maaaring maging kontribusyon kaugnay pa rin sa varayti ng wika. Ang rejister ay tumutukoy sa iba’t ibang domeyn ng wika na malawakang nagagamit sa iba’t ibang larangan gaya ng edukasyon, midya at marami pang iba. Tenor – Tumutukoy naman ito sa pormalidad at kaimpormalan sa gamit ng salita. Halimbawa, iba ang paraan ng pagtawag ng isang ina sa kanyang anak sa tuwing may iuutos ang ina. Samantala, sa kaparehong sitwasyon, iba ang tenor o paraan ng pagtawag ng isang titser sa kanyang estudyante na kapwa nag-uutos din. Larangan – Tinatalakay rito ang mga espesyalisadong mga salita na nagagamit sa iba’t ibang larangan. Bukod sa varayti, maaari rin na maging dukal ito ng inaasam na intelektwalisasyon ng isang wika. Paraan – Ang paraan o moda ay tumutukoy sa pagiging sensitibo o pagpapahalaga sa mismong gamit ng komunikasyon. Halimbawa, mas katanggap-tanggap pa rin bilang pormal na pagdodokumento ay ang pasulat na paraan kaysa pasalita. Nangangahulugan lamang na ang modang pasulat ay may mas mataas na pagtin lingua franca. - isang wikang pangkomunikasyon upang silay magkaintindahan. Ang wikang ito ay tinagurian lingua franca. Taboo – mga salitang hindi katanggap-tanggap na salita sa kultura na katanggap-tanggap naman sa ibang kultura.
Inihanda ni ROWENA B. AGUSTIN Malt-Filipino
WIKA AT KULTURA Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa mga paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-unay sa kanila at nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapalaganap sa kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian, at adhikain. Ang bawat tao ay may kinabibilangang kultura na siyang kinalakhan niya at nagtuturo sa kanya sa mga papel na dapat niyang gampanan sa lipunan at kung paano niya ito maisagawa sa pamamaraang maituring na kanais-nais. Higit sa lahat ang kulturang ito ang kanyang sandigan at gabay sa kanyang paglalakbay tungo sa makabulohang buhay. Ang kulturang ito ay nabibigyang anyo, naipahayag, at naipasa sa ilang henerasyon sa pamamagitan ng wika. Habang natutohan ng isang bata ang kanyang katutubong wika, unti-unti rin niyang nakukuha ang kanyang kultura. Ang mga salita na napabilang sa leksikon ng isang wika ay matinding indikasyon sa uri ng pamumuhay at pananaw sa mundo sa mga nagsasalita nito. Halimbawa, ang bawat grupo ng mg tao ay may kni-kanilang paraan at terminolohiya sa pagbibilang ng panahon: ang mga magsasaka, sa pamamagitan ng mga araw o buwan ng pagtatanim at pag-ani; ang mga pumapasok sa pabrika ay nagbibilang ng walong oras bawat araw at naghihintay ng akinse ng bawat buwan; at ang mga mag-aaral naman ay nagbibilang ng mga semestre sa pasukan at bakasyon. Ang leksikon ng wika ay nagsasaad rin sa mga bagay na pinapahalagahan sa mga nagsasalita nito. Halimbawa, mapapansin natin na ang mga Pilipino ay may maraming terminolohiya para sa ibat ibang anyo ng bigas—palay, bigas, kanin, lugaw, sinangag, puto, suman, atbp. Maliban diyan, may iba’tibang klase pa tayo ng bigas tulad ng malagkit, denorado, wagwag, atbp. Samantalang isa lamang ang terminolohiya ng mga Amerikano sa bigas—rice. Kaya sila ay may rice grain, steamed rice, fried rice, atbp. Tayo naman ay walang salita para sa snow ngunit ang mga Eskimo ay may humigit kumulang sampung salita para dito. Samakatuwid, ang wika ay ang nagbibigay anyo sa diwa at saloobin ng isang kultura. Ito rin ang nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura, at sa pamamagitan nito ang kultura ay maiintindihan at mapahalagahan maging sa
mga
taong
hindi
napaloob
sa
tinutukoy
na
kultura.
WIKA AT LIPUNAN: Sociolinguistics Ang bawat lipunan ay may katutubong wika. Ang bawat lipunan ay bumubuo ng isang speech community na kinabibilangan ng mga tao na may iba’t-ibang social orientation batay sa kanilang katayuan sa buhay, sa mga grupo na kanilang ginagalawan, sa iba’t-ibang tungkulin na kanilang ginagampanan. Isa sa mga batayan sa baryasyon ng wika ay ang pagkakaiba ng katangian ng mga grupo na napaloob sa istruktura ng isang lipunan. Ang baryasyong ito ng wika ay tinatawag na sociolect o social dialect. Kaugnay dito, ang bawat tao sa lipunan ay may sariling pamamaraan ng paggamit ng kanyang wika. Ito ay tinatawag na ideolect. Ito ay bunga sa pamilya na kanyang pinanggalingan, sa grupo na kanyang sinasamahan, sa lugar na kanyang kinaroroonan, at sa mundo na kanyang ginagalawan. Ang rehiyon na kinalalagyan ng isang grupo ay isa ring dahilan ng baryasyon --halimbawa, may kaibhan ang punto ng mga Tagalog sa Manila at ng mga Tagalog sa Batangas o sa Marinduque. Gayun pa man, nagkakaintindihan pa rin sila. Ang Tagalog sa Manila, sa Batangas at sa Marinduque ay rehiyonal na baryasyon ng wikang Tagalog. Ang mga ito ay tinaguriang mga dialect ng Tagalog. Ang baryasyon dito ay makikita sa punto, sa mga salita mismo, at sa pagkakabuo ng mga prase o mga pangungusap. Isa pang uri ng baryasyon ng wika ay ang tinatawag na . Ito ay may kaugnayan sa paggamit ng estilong formal o informal, alinsunod sa paksang tinatalakay, sa mga nakikinig, sa okasyon, at iba pa.
Ang sociolect, dialect, at ay mga uri ng baryasyon ng wika sa isang lipunan. Ito ang nagpapaliwang sa iba’t-ibang anyo ng isang wika batay sa mga sumusunod: sa taong nagsasalita, sa taong kinakausap o nakikinig, sa okasyon o sitwasyon, sa lugar, at sa konteksto na ibig ipahiwatig. Ito ang tinatalakay sa sociolinguistics, ang sanga ng linguistics na nag-aaral sa mga aspetong sosyal ng wika. Sociolect. Ang sociolect ay ang baryasyon ng wika batay sa katayuan ng speaker sa lipunan o sa lupon na kanyang kinabibilangan. Mahalagang pansinin na ito ay nakaugnay sa social grouping na makikita sa lipunan. Ito ay may kinalaman sa socioeconomic na katayuan --mahirap o mayaman, walang pinag-aralan o propesyonal, manager o janitor, kolehiyala o kriminal; sa kasarian (gender) -- babae lalaki, bakla; sa gulang; sa grupong etniko -- Bisaya, Tagalog, Muslim, Tingguian, T’boli; sa relihiyon, at iba pang salik sosyal na pinapahalagahan ng lipunan. Bilang halimbawa, tingnan natin ang bokabularyo ng mga bata ngayon na tiyak na hindi ginagamit ng mga matatanda: yosi, dedma, promdi, sked, org, syota, tangengot, praning, sosi, bongacious. At bakit nga ba na ang kubeta ay "c.r" sa mga estudyante at "powder room" o "ladies’ lounge" para sa mga sosi? Ang damo ay pagkain ng baka, ngunit sa mga adik ng druga ito ay marijuana. Ang pera ay maaring tawaging datung, atik, o kwarta. Ang kasintahan naman ay syota o jowa. Karamihan sa mga bokabularyo sa kabataan na nakalista sa itaas ay tinatawag na slang. Ito ay nagsasaad ng informal na baryason ng wika na may makabagong terminolohiya na binubuo ng iilang grupo sa lipunan batay sa napagkasunduan nilang konteksto sa paggamit nito. Kung minsan naman, sa halip na bumuo ng bagong salita, binabago na lamang nila ang kahulugan ng mga ito: ube (kulay > P100 ); ulupong (ahas > traydor); mongha (madre > babaeng bihirang lumalabas sa bahay). Ang slang ay ginagamit bilang palatandaan kung kabilang sa grupo ang isang tao o hindi. Ito ay nagpapahayag sa pagkamalikhain ng mga taong bumubuo nito. Ang lengwahe na ginagamit ng mga bakla (gay lingo) ay para sa kanilang grupo lamang. Wala silang intensiyong ipagamit ito sa hindi nila kasama. Ito ay "sekretong lingo," o argot, na dapat hindi maiintindihan ng mga taga-labas. Ngunit ang iba nito ay nakakalabas at ginagamit na rin sa "mainstream" --tulad ng bading, tsimay, tsugi, jeproks, bagets, tsibug, chika, jowa, syota, eklat, at baboo. Sa pag-aaral ni Camencita F. Montenegro (1982) sa 200 estudyante sa Unibersidad ng Santo Tomas (19-24 taong gulang), napatunayan niyang may pagkakaiba ang paggamit ng wika ng mga babae at mga lalaki. Isa nito ay ang mas malimit na paggamit ng mga babae sa mga hiram na salita at ng mga positibong adjective kay sa mga lalaki. Kalimitang ginagamit ng mga babae ang hiram na salita sa akala nilang ito ay may prestige. Ito ay nagpapakita na ang kasarian ay may kinalalaman sa paggamit ng wika. Ang kakaibang lengwahe naman na ginagamit ng mga doktor, syentipiko, at iba pang propesyonal o teknikal na grupo kaugnay sa kanilang trabaho ay tinatawag na jargon. Ang tonsillectomy ay ang terminolohiya ng mga doktor sa pagtatanggal ng tonsil. Ang mga mahilig naman sa kompyuter ay may sarili namang jargon, tulad ng: modem, ram, cd-rom, software, prolog, byte, , atbp. Maraming baryasyon ng wika ang ginagamit ng iba’t ibang grupo na napaloob sa lipunan. Gayunpaman, may tinaguriang standard na wika na siyang ginagamit sa pormal na pagsusulat, sa paaralan, sa mga nakapagaral, at sa mga pagtitipon. Dito rin ibinabatay ang baryasyon ng wika. Halimbawa, ang Cebuano ay nagsasabing wa:a at ba:y ngunit sinusulat ang mga ito na wala at balay na siyang tanggap na standard lexicon. Sa kabililang dako, may mga salita namang ipinagbabawal. Kung minsan, ang mga ito ay maaring bigkasin ng mga matatanda ngunit ipinagbawal sa mga bata, tulad ng mga salita na tumutukoy sa sexual organs. Kung minsan naman, ito ay may kinalaman sa kasarian.
Halimbawa, may iilang grupong etniko sa Pilipinas na nagbabawal sa mga babae pagtawag ng pangalan ng kanilang ama, tiyohin, biyenang lalaki, at lolo. Kung minsan, ang mga ito ay may kasagwaan sa pandinig ng mga tao sa lipunan at hindi ginagamit sa matinong usapan. Kung kaya hinahanapan ito ng mas tanggap na kapalit. Ang prosesong ito ay tinatawag nga euphemism. Kaya ang puta ay tinatawag na babaeng mababa ang lipad o prosti sa kontemporaryong salita. Marinig rin sa mga kabataan ngayon ang "jijingle muna ako" sa halip na "iihi muna ako." Ang sociolect ay isang mahusay na palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika sa mga tao na napaloob nito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan.
LINGUA FRANCA
Ang isang siyudad, probinsiya o rehiyon ay maaring mabubuo ng mga tao na may iba’t-ibang wika. Halimbawa, sa Probinsya ng Davao ay may Cebuano, Davaweño, Tagalog, Bagobo, Mamanwa, Manobo, Mandaya, at Mansaka. Kailangan nila ng isang wikang pangkomunikasyon upang silay magkaintindahan. Ang wikang ito ay tinagurian lingua franca. Ang Cebuano ay ang lingua franca hindi lamang sa Davao, kung hindi sa buong Mindanao at Visayas. Ilokano at Tagalog naman ang mga lingua franca sa Luzon. Filipino ang lingua franca sa buong Pilipinas. Noong pumunta ang mga Español sa Lungsod ng Zamboanga, hindi nila naintindihan ang wika ng mga tao rito. Hindi rin sila naintindihan ng mga Zamboangueño. Ngunit ang dayuhan at ang katutubo ay kailangan ng wikang pangkomunikasyon. Natuto silang ipaghalo ang Español at wikang katutubo. Sa puntong iyon, ang tawag sa halu-halong wikang ginamit nila ay pidgin. Nang maglaon, nag-asawa ang mga Español sa mga katutubo at ang pidgin na kanilang ginamit ay ang sinasalita ng kanilang mga anak. Samakutuwid, native language na ito ng isang grupo sa lipunang iyon. Kung ang pidgin ay nagkakaroon na ng katututbong tagapagsalita, ito ay nagiging creole. Ang tawag sa Creole ng Zamboanga ay Chavacano; ganoon din sa Cavite at sa Ermita, Manila. Bakit kay daling sabihing "Nasa probinsya ang erpat at ermat ko" sa kaibigan mo. Ngunit kung guro mo ang kausap mo, bigla itong maging "Nasa probinsiya ang tatay at nanay ko." At bakit kay daling bigkasin ang mga salitang tsok, tsoys, ayskrim, sentens, at iba pa ngunit bakit naging tisa, pagpipilian, sorbetes, at pangungusap ang mga ito kung isulat? Napansin mo ba na iba ang tono ng pananalita mo kung ikaw ay nakipaglokohan sa mga barkada mo at kung ikaw ay nagrereport sa klase? May iba’t-ibang anyo ang wika batay sa uri at paksa ng talakayan, sa mga tagapakinig o sa kinakausap, sa okasyon. Ang baryasyon na ito ay tinatawag na . Isang uri ng ay may kinalaman sa pormal o di-pormal na pananalita. Pormal ang tono ng pananalita mo kung ang kausap mo ay mas matanda sa iyo, may mataas na tungkulin kay sa iyo, may kapangyarihan, o hindi mo masyadong kilala. Kalimitan, pormal din ang wika na ginagamit sa pagsusulat at sa panitikan. Nanatiling pormal ang wika sa simbahan, sa mga seremonyas, sa mga talumpati sa mahalagang pagdiriwang, sa korte, at sa iba pang okasyon na kinabibilangan ng mga kagalang-galang na mga tagapakinig. na di-pormal naman ang kalimitang ginagamit sa mga okasyong dinadaluhan ng mga magkakaibigan, sa paguusap ng magkasing-edad o magkasinghenerasyon, sa pagsulat ng komiks o liham sa isang kaibigan o kapamilya.