Tungkol sa Katamaran ng mga Pilipino
Ang sanaysay na ito’y isinulat ni Rizal sa ikalawang pagtungo niya sa Europa. Isinulat niya ito bilang tugon sa paulit-ulit na upasala sa mga Pilipino na sila’y mga tamad. Ang upasalang ito’y hindi niya tinutulan sa kaniyang sanaysay sa halip ay inamin niya ang pag-aangkin ng katamaran ng kaniyang mga kababayan. Sinabi niyang may ibang Pilipinong tamad ngunit hindi maaaring ilarawan ang isang kabuuan sa isang pangkatangian.
Mga DAHILANG Tinukoy ni Rizal: • Walang magtangkang humanap ng kasagutan sa mga kaguluhan, kung mayroon man ay masama ang nangyayari (pinag-uuusig o pinaparusahan). • Ang bansa natin ay may mainit na Klima. Hindi mabuti ang mahigpit na paggawa sa mga bayang mainit kumpara sa mga bayang malalamig. ANG 1 oras na paggawa sa ilalim ng araw AY KATUMBAS NG 1 araw na paggawa sa katamtamang araw • Ang sikap at pagkukusa natin ay nawala nang dahil sa mga Kastila. Bago sila dumating ay maginhawa ang ating buhay. Nakikipagkalakalan tayo sa Tsina at ibang bansa, nagsasaka,
• Ang pangangailangan natin noon ay hindi marami at hindi tayo mapagpabaya di gaya ngayon. • Napabayaan ang lahat ng industriya at pati ang pagsasaka dahil hindi nila maipagtanggol ang sarili laban sa kaguluhan at pandarambong buhat sa Mindanao at Sulu. Hindi pinahintulutan ng mga Kastila ang mga Pilipino na mag-ingat ng baril at iba pang sandata. • Nakalimutan na ang pagsasaka, paghahabi at pagmamanukan ng dahil sa sapilitang paggawa. Dahil sa maraming pandarayuhang ginagawa ng mga Kastila ay walang tigil ang paggawa ng barko.
• Ang pamahalaan ay walang dulot na pampasigla upang ang mga tao ay mahikayat na gumawa. Pinatamlay ng Kastila ang pakikipagkalakalan kaya’t humina ang pagluwas ng mga produktong Pilipino. Ang industriya ay di umunlad. • Ang Pilipino’y hindi maaaring gumawa sa kanilang bukid kung walang pahintulot sa pamahalaan. • Hindi makatanggap ng nararapat ng halaga ang mga Pilipino sa kanilang produkto at kung minsan ay walang bayad o kaya’y dinaraya sa pamamagitan ng mga maling timbangan at takalan.
• Lahat ng negosyo’y sinasarili ng gobernador, sa halip na pukawin ang mga Pilipino sa pagpapabaya ay makasarili sila kaya’t sinusugpo nila ang mga kaagaw sa makikinabang sa pangangalakal. • Kailanagn pa ng “pagreregalo”, pakikisama, panunuyo at ang ganap na pagkawalang-bahala sa kalagayan ng Pilipino ang nagpatay ng sigla sa paggawang kapaki-pakinabang. • Pagiwas sa pagpaparumi ng kamay at Pagkuha ng maraming utusan sa bahay ang nagpunla sa kalooban natin ang binhi ng katamaran at pagkatakot sa mabibigat na gawain. • Sabi ng kura noon “Hindi makakapasok sa kaharian ng Langit ang mga taong mayaman”.
• Ang sugal ay binigyang luwag at isa na rin sa nagpalala ng katamaran. • Hindi tayo binigyan ng tulong na salapi o pautang upang mamuhunan. Ang natitirang salapi matapos bawasin ang buwis ay pinambabayad sa kandila, nobena at iba pa. • Kung ang pananim ay napinsala ng balang o bagyo, ang pamahalaan ay hindi nagbibigay ng ano mang tulong sa mga magsasaka kayat ang mga ito ay inaabot ng katamaran.
• Ang katamaran ay pinalubha ng di mabuting sistema ng Edukasyon 1.
Ang buhay ay inukol sa pagbibigay ng salapi sa simbahan dahil sa inaasahang himala at iba pang kataka-takang bagay. 2. Ang mga bata ay walang natutunan kundi ang pagkilos na parang makina na hindi alam ang dahilan ng ginagawa. 3. Ang maling pagmulat sa isip at kalooban ay nagbunga ng di maganda at katamaran sa mga Pilipino.
• Ang sistema ng edukasyon na puro pagmamalupit ay nagbunga ng mababang pagkilala sa sarili at pagkawalang bahala sa paggawa. • Isa pang nagpalala sa katamaran ay ang kawalan ng damdamin bilang isang bansa palibhasa’y walang karapatang magtatag ng mga samahan na magbibigay ng pagkakataong magkaunawaan at magkaisang damdamin.
Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang kalayaan ay siyang araw ng sangkatauhan. Kung walang edukasyon at walang kalayaan, walang pagbabagong maisasagawa, walang hakbang na makapagdudulot ng bungang nais…
- Jose P. Rizal