Ang Tundo man may Langit din Andres Cristobal Cruz
MAY AKDA/AWTOR
Andres Cristobal Cruz “Kung ang kabuuan ng isang nobela, o alinmang anyo ng sining pampanitikan ay sinsabing sagisag ng isinawikang ugna-ugnayan ng mga kaisaipan at damdamin sa buhay, pamumuhay, at kabuhayan ng tao at uriing kanyang kinabibilangan, ang aking nobelang panganay, “Ang Tundo Man May Langit Din” ay
o Si Andres Cristobal Cruz ay kilalang makata, kwentista at nobelista. Isinilang siya sa Dagupan, Pangasinan, ngunit lumaki siya sa Tundo, Maynila at nag-aral sa Rizal Elementary School at Torres High School, kung saan siya naging manunulat para sa pahayagan ng nasabing paaralan. Nagtapos ng kolehiyo si Andres Cristobal Cruz mula sa UP College of Arts and Science – kasama ng ibang mga prominenteng makata tulad nina Virginia Moreno at Alex Hufana, itinatag nila ang tanyag na grupong mga makata, “The Ravens” noong 1951. Noong 1962, binigyan si Cruz ng parangal para sa Literatura at isa sa mga “Ten Outstanding Young Men”. o Ang kalipunan ng kanyang mga nasulat na tula na may pamagat na Estero Poems ay nalimbag noong taong 1961. Noong 1964 ay lumabas naman ang katipunan ng mga kuwento na may pamagat na White Wall. Ang magaganda niyang mga tula ay Flower by the Estero, Evening Song, Dusk, Night on the Estero, at Dawn. Ang kanyang panganay na nobela ay Ang Tondo man ay may Langit din. o Isa siya sa mga kolumnista para sa ISYU, Malaya, Philippine Post, at Metronews. Pumanaw siya dahil sa paghina ng kanyang internal organ sa Philippine Heart Center noong January 5, 2004; 74 na taon nang siya’y namatay.
MGA TAUHAN
MGA PANGUNAHING TAUHAN
Alma Fuertes
Victor Del Mundo
Flor Flores
MGA PANTULONG NA TAUHAN
Lukas Del Mundo
Chabeng
Aling Sion
Tonyo
Mr&Mrs Fuertes
Boy Anton Flores
Pocholo
Dolores
MGA PANTULONG NA TAUHAN
Paeng Gasti, Pilo at Tatong Bamban
Boy
Minnie
Monching
Pasing
Paking
FLOR
ALMA
VICTOR Boy ANTON flores
POCHOLO
TONYO LUKAS
CHABENG
PAKING PAENG GASTI, PILO AT TATONG BAMBAN
DOLORES boy
ALING SION PASING
MR. FUERTES
MINNIE MRS. FUERTES
MONCHING
TAGPUAN
Tundo Kilala bilang lugar na magulo, madumi, maraming tao, kadalasan ang mga tao ay nasasangkot sa mga puno krimen at talamak na gamitan at bilihan ng druga. Ngunit sa nobelang ito, dito nakatira si Victor at Flor. Sa lugar na ito nagsimula ang kanilang pagkakaibigan at nabuo ang kani-kanilang pangarap. Dito ay ninanais na mabigyang buhay, mahanap at mapatunayan na ang tagpuang ito ay matatawag din na kalangitan. Sa kabila man ng mga katangiang taglay ng lugar na ito na tila mahirap tanggapin sa ating lipunan, patuloy pa ring isinusulong na maitaguyod ang pagbabago na dapat ay natatamasa na ng tagpuang ito.
Pamantasan/Eskwelaha n Dito nagkakilala sina Victor at Alma at naging kamagaral. Pareho silang nagtapos sa kursong Edukasyon na medjor sa Kasaysayan o History. Sa tagpuang ito kadalasang nagsasama at nag-uusap sina Victor at Alma lalo na doon sa may marmol na upuan kung saan diyan nila kadalasang hinihintay ang isa’t isa. Ang pamantasang ito ay ang siyang gumabay sa mga pangunahing tauhan kung saan ito ang nagsilbing pundasyon na tumulong sa kanila upang makamit ang kanilang mga pangarap bilang isang mahuhusay na mga tagapagturo.
Apartment ni Flor at Tonyo sa Ermita Dito kadalasang nagkikita sina Victor at Flor. Madalas na iniimbitahan ni Flor si Victor na pumunta at bisitahin siya ni Victor at kadalasan din siyang binibisita ni Victor si Flor simula ng malaman niyang nagdadalawang-tao si Flor sa kanyang kinakasamang si Tonyo. Naging saksi ang tagpuang ito sa pagnanasa ni Flor na maakit si Victor at makipag-isa sa piling ng bawat isa.
Opisina ng Printing Press Dito nagtatrabaho si Victor upang siya ay may maitustos sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Nakatulong ng malaki ang lugar na ito nang sa gayon ay maipagpatuloy niya ang kanyang pagtatapos bilang isang guro. Sa umaga siya nagtatrabaho at sa gabe naman ang kanyang klase.
Isang Palamigan sa Quiapo Dito ay kalimitang nagkikita sina Flor at Victor noong sila pa ay nagmamahalan bilang magkasintahan. Mapapansin na sa lugar na ito nabuo ang ilang masasayang bahagi ng mga pangarap nila Victor at Flor. Dito din nagkikita ulit sina Flor at Victor pagtapos ng isang taong hindi pagkikita madalas na inoorder ni Flor ay kapeng walang gatas.
Patahian ni Flor at Dolores Ang tagpuang ito ay siyang sumisimbolo sa pagsusumikap at pagtitiyaga nina Flor at Dolores sa buhay kung kaya’t sila ay nakapagtaguyod ng ganitong uring paghahanapbuhay. Nilalarawan din nito na sinumang tao na may nais na umahon sa kahirapan at mabuhay ng marangal ay dapat na may positibong pananaw upang magtagumpay. Dito din sa tagpuang ito nagkita si Flor at Dolores na labandera nila na sa tingin niya ay nagkasala ang kanyang ama. Nagtapat sa kanya si Dolores at nakita din niya ang anak nito na kanyang kapatid na ama.
Torres High School Pagkatapos ng graduation ay agad na nakapagtrabaho si Alma sa Torres. Pagkatapos naman namailakad ni Lukas ang papel ni Victor para siya makapagturo ay sa Torres din siya nakapagtrabaho. Sa paaralan na ito kadalasang nagkikita sina Alma at Victor dahil dito na silang dalawang nagtuturo bilang mga guro.
PANAHON
Nangyari ang kwento noong dekada 1950. Mas konserbatibo ang mga tao sa kwento kaysa sa mga tao sa henerasyon na ito. Ang mga ginagamit para sa komunikasyong ito ay medyo makaluma din. Ang ibang kalsada ay iba rin ang pangalan kaysa sa pangalan nito ngayon. Ang panahon ay ipinakita ng may akda sa iba’t-ibang paraan. Isang paraan ay ang paraan ng kanilang komunikasyon. Mas makaluma noon, hindi pa sila gumagamit ng kompyuter para makipag-usap sa ibang tao. Ang ibang kalye ay ang ibang pangalan sa libro kaysa sa pangalan ng mga kalye ngayon.
BANGHAY
Simula Nag-umpisa ang tagpo sa opisina ni Victor del Mundo. Kung saan may tumawag sa kanya at napagtanto niya na ito ay si Flor ang dati niyang kasintahan sa Tundo ang kanilang mundo. Nakipagkita ito sa kanya sa dati nilang tagpuan sa Quiapo at doon napagtapat ni Flor ang kanyang suliranin. Muling bumalik ang lahat ng pakiramdam ni Victor kay Flor ngunit ito ay may hadlang na. Samantalang may naging kaibigan si Victor na si Alma na nagkakaroon ng pagmamahal kay Victor. Pinakilala din ang ina ni Victor na malaki din ang magiging papel sa buhay ni Victor at Lukas na kapatid ni Victor dahil kay Aling Sion doon huhugutin ni Victor at Lukas ang kanilang magiging bukas. Iikot ang istorya sa pag-iibigan ni Alma at Victor gayundin ang kay Flor at ang suliranin niya sa kanyang dating asawang si Tonyo. Sinalaysay din ang mga tagumpay at suliranin ni Victor.
Saglit na Kasiglahan Ang unang pagbibiruan at pagkukulitan nila Victor at Alma bilang isang kaklase at magkaibigan. Mapapansin din na may lihim na pagtingin si Alma kay Victor kung saan palihim siyang tumitingin dito at minamasdan.
Kakalasan Nakapagpatayo si Flor ng isang patahian kung saan katulong niya sa pagpapatakbo si Dolores. Dinala ni Victor si Alma sa patahian ni Flor at doon nakita ni Alma ang matagal na niyang hinahanap na si Dolores, ang dati nilang katulong na sa kanyang paniniwala ay nagawan ng masama ng kanyang ama. Nagsimula na si Alma sa pagtuturo sa Torres High. Ilan pang mga araw ang nakalipas at pumunta si Alma sa patahian nila Flor upang kausapin si Dolores at ibigay ang sustento nito para makatulong at makabawi sa maling nagawa ng kanyang ama. Si Victor naman ay tinulungan ni Paking upang makapagturo sa Torres High. Nakatanggap agad siya ng appointment bilang substitute teacher sa paaralan. Nagkita muli sina Alma at Victor sa Torres High kung saan pareho silang magtuturo.
Kasukdulan “Victor si Lukas napapalaban, nasapanaganib”. Ito ang naging sigaw ni Pasing ng si Lukas ay napapalaban at tuluyang nasaktan ng hinarap siya ng mga kaalyado o mga bata ni Reyes, ang kalaban sa politika ni Paking ang konsehal na nilalakad ni Lukas. Ito ang naging kinalabasan ng pagtulong ni Lukas kay Paking na kaya lamang niya nagawa ay dahil gusto niya na ilakad ni Paking ang appointment ni Victor upang makapagturo na ito sa Torres High School. Mararamdaman ang pagmamahal ni Lukas sa kanyang kapatid kahit na siya ay tipikal na isang uri ng tambay na siga at laging umiinom. Naipapakita talaga niya ang kabutihang loob at gayun na din ang pagpapahalaga sa pamilya. Ang pagtatapat ni Alma at Victor sa isat-isa sa pamamagitan ng pagpisil at paghahawakan ng kamay na sa wakas naamin na din nila sa isa’t isa ang pagmamahal na kanilang tinago. Ang pagtatagpo ni Dolores at Alma ay sa wakas natapos na ni Alma ang kanyang suliraning matagal nang tinatago. Sa pagkakataong yaon ay nalaman na din ni Alma na ang kanyang kapatid sa Ama na si Boy ay buhay sa gayon hindi na babagabag pa sa kanyang panaginip, sa kanyang konsensya sa huli ay napagtapat din niya ito sa kanyang ama na si Mister Fuertes.
Wakas Sa dulo ay nahanap na din sa wakas ni Alma at Victor ang kani-kanilang langit at yaon ay nakita nila sa isa’t isa. Ang kasal na naganap ay naging daan upang magkatagpo ang mundo ng mga taga Tundo at yaong may kaya sa buhay, naging daan ang kasal upang maayos ang lahat ng gusot na nangyari sa nakaraan, naging Masaya ang lahat sa katapusan ng nobela sapagkat mas naintindihan ng nakararami ang katagang “Ang Tundo ManMay Langit Din.” Sa wakas ng Ang Tundo Man May Langit Din ay masasabing isang masayang pagtatapos sapagkat sa halos puro suliranin ng mga tauhan ay napagtagumpayan nilang lahat ito magsimula na lamang tayo kay Flor na natagpuan na ibig ipakahulugan sa kanya ni Victor. Inayos niya ang kaniyang buhay, maayos niyang nailuwal ang kanyang unang anak at nagpasyang huwag na makipag-ugnayan kay Tonyo ngunit sa maayos na paraan. Ang kay Dolores naman ay nakuha niya ang karapatang dapat matagal na niyang nakuha sinuportahan na ni Mister Fuertes ang kanyang anak dito. Si Lukas naman ay kumita ng malaki at binayaran na unang taon sa titirhan ni Alma at Victor. Muli pinakita na naman niya ang pagmamahal
Suliranin VICTOR DEL MUNDO: “Paninindigan ko. Iyan ang paniniwalaan ko iyan ang pag-asa ko na ang Tundo man ay may langit din” ALMA FUERTES: “Ayaw ko na rin sana, ngunit anoang magagawa ko? Magiging iskandalo para sa lipunang kinabibilangan ko kung hindi ako dadalo sa graduation exercises. Ang aking pagdalo ay hindi pagsuko. Ito’y isang pagbibigay, hulig pagbibigay sa lipunang tinatalikuran ko.” FLOR FLORES “Nangungulila siyang hindi niya mawatasan. Iyon ay pangungulilang ituturing na makasalanan ng iba, lalo na kung totoong tunay na asawa nga ni Tonyo ang babaing nakipagkita sa kanya. Pangungulila o kaya’y paghanap ng timbulan sa nagbabantang pagkaanod niyakung iwan siya ni Tonyo.”
Tunggalian
TAO LABAN SA KAPWA TAO
TAO LABAN SA SARILI
Solusyon Victor Del Mundo: Nagsumikap si Victor na makapagtapos sa pag-aaral at makapagtrabaho bilang isang guro upang maiangat ang sarili sa kahirapan na tinatamasa. Dahil narin sa kanyang paninindigan na ang tundo man ay may langit din kung saan nais niyang ibahin ang pananaw ng mga tao sa lipunan tungkol sa kanilang lugar na kinalakihan na kilala bilang isang lugar ng mahihirap at mga taong walang mga pinag-aralan. Alma Fuertes Nagsumikap din si Alma namakapagtapos sa kanyang pag-aaral kahit alam niya nakakaangat siya sa buhay. Naikasal siya sa lalaking kanyang sinasabing kanyang langit. Flor Flores Nagsumikap din si Flor upang mabuhay lalo na sa kanyang magiging anak. Ang perang ibinigay sa kanya ni Tonyo ay ginamit niya sa pagpapatayo ng panahian. Nagpatuloysa buhay si Flor ng hindi na niya kasama sa buhay si Tonyo.
PUNTO DE VISTA
Ikatatlong Panauhan – Omniscient Bakit? Sapagkat taglay ng tagapagsalaysay ang kapangyarihang matukoy ang damdamin at iniisip ng mga tauhan sa kanyang isinasalaysay.
Patunay… “Dumating sila sa Quiapo, sa palamigang may kasamang bowling alley. Si Nick na kapatid ni Minnie at minsang naipakilala na ni Alma kay Victor ang nakapagbalita. Hindi makapaniwala si Alma. Gayunma’y hindi siya nagpahalata. Panay sa kanal ang takbo ng kaniyang mga bola nang naibalita na ni Nick ang tungkol sa nakita niyang kasama ni Victor sa palamigan.” “Nahawa si Victor sa tawa ni Alma. Lumalakad silang patungo sa gusali ng Liberal Arts. Ang susunod nilang klase ay Philippine History, ang kanilang major subject. Iyon ang pinagdadalubhasaan nila ni Alma, ang kasaysayan ng Pilipinas. Iyon,
TEORYANG PAMPANITIKAN
Teoryang Eksistensyalismo Ipinapakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).
Teoryang Realismo Ipinapakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ito ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng mayakda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat.
Teoryang Sosyolohikal Ipinapakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.
Teoryang Romantisismo Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
BUOD NG NOBELA
Kabanata 1 hanggang Kabanata 48
Sangunian: Cruz, Andres Cristobal. (1986). Ang Tundo Man May Langit Din. Ateneo De Manila University Press. Loyola Heights, Quezon City.
Maraming Salamat Charmaine Raguilab Tapungot Filipino 40 Nobela: Ang Todo man ay may Langit din