SA BAGONG PARAISO ni Efren Reyes Abueg I.
PANIMULA Uri ng Panitikan – Ang anyo ng panitikang sinulat ay nasa kaanyuan ng isang maikling kwento. Ang maikling kwento ay isang uri ng panitikan na bunga ng guni-guni ng may-akda na maaaring likhangisip lamang o batay sa sariling karanasan na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng bumabasa o nakikinig. Ito ay maikli lamang at matatapos basahin sa isang upuan lamang. Bansang Pinagmulan – Naisulat ang naturang akda sa bansang Pilipinas. Ang maikling kuwento ay nasilayan na noong panahon bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating kapuluan. Ngunit, lalo itong umunlad noong panahon ng pagsakop ng mga Amerikano. At tuluyan itong nailimbag noong panahon ng mga Hapon na kung saan dumami ang mga manunulat ng uri ng panitikang ito. Sa kasalukuyang panahon, patuloy pa ring nililinang ng mga makabayang manunulat ang panitikang ito na siyang sumasalamin sa ating kultura. Pagkilala sa May-akda – Isinulat ito ni Efren Reyes Abueg, isang kilala at iginagalang na nobelista, mananaysay at manunulat ng kanyang panahon. Kabilang sa kanyang mga aklat ang Bugso, ang kanyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kwento. Napakaraming beses na rin siyang humakot ng mga parangal para sa kanyang kahusayan sa pagsusulat. Nang dahil sa napapanahong suliranin na kung saan napakarami sa mga kabataan ang naliligaw ng landas, isinulat ni G. Abueg ang Sa Bagong Paraiso. Nag-udyok sa kanyang isulat ang akda ang pagnanais niyang tumatak sa isipan ng bawat mambabasa ang aral na nais nitong ipahiwatig sa kwento. Layunin ng Akda – Layunin ng may-akda na tumatak sa isipan ng bawat mambabasa ang aral na nais nitong ipahiwatig. Sa kasalukuyan, ibig niyang napapanahon ang paksa ng panitikan upang mahikayat ang mga kabataan at maimulat ang kanilang mga mata at isipan sa katotohanan na kinakailangan pa rin nilang magingat at sumunod sa utos at payo ng mga magulang nito o ng mga nakakatanda.
II.
PAGSUSURING PANGNILALAMAN Tema o Paksa ng Akda – Isa itong kwento tungkol sa magkaibigang pilit na pinaghihiwalay ng tadhana. Ang kwentong ito ay napapanahon at sumasalamin sa pangkaraniwan ng problema ng mga kabataan sa ngayon. Masasabing ito nga ay makatotohanan sapagkat naging paksa ng akdang ito ang madalas na pagkaligaw sa landas ng mga kabataan sa kasalukuyan. Tumutukoy din ito sa pagkawalang-malay at sa kakulangan ng pag-intindi sa mga
maaaring ibubunga ng pagsuway sa mga magulang. Bunga nito, naipapakita rin ang mapait na paghinuha na nasa huli nga ang pagsisisi lalo na sa suliranin ng maagang pagdadalantao. Mga Tauhan o Karakter sa Akda – Isa sa mga pangunahing tauhan ng kwentong ito si Ariel. Siya ang batang lalaki na dumaan sa estado ng pagkawalang-malay at pagkalito habang siya’y lumalaki. Habang si Cleofe naman ang pangunahing tauhan na babae na naging matalik na kaibigan at kababata ni Ariel na dumaan din sa estado na katulad nang sa binata. Sa kanila umiikot ang kabuuan ng akda at kabilang na rin dito ang kanilang mga magulang na siyang nagsisilbing pader sa pagitan nilang dalawa. Tagpuan o Panahon – Naging tagpuan ng maikling kwento ang probinsya na kinalakihan nilang Ariel at Cleofe. Ngunit, mahihinuha na ang kwento ay nagtapos sa lungsod ng Maynila. Nangyari ang mga pangyayari sa akda magmula noong walong taong gulang pa lamang ang dalawang magkaibigan. At maging sa panahon na sila ay nasa kolehiyo na. Masasabi na napapanahon din ang akdang ito sa modernong panahon na kung saan laganap na ang suliranin ng maagang pagdadalantao dulot ng maagang pagpasok sa isang relasyon at pagkawalang-malay. Balangkas ng mga Pangyayari – Ang unang bahagi ng kwento ay nakasentro sa panahon na kung saan mga bata pa lamang sina Ariel at Cleofe. Silaý walong taong gulang pa lamang at napakamangmang pa nila sa katotohanan ng buhay. Madalas silang matukso at naging paraiso nila ang dalampasigan ng kanilang probinsya. Hindi sila nakatakas sa panahon na kung saan sila’y lumaki na at pinilit na binago ng kanilang mga magulang ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Nang dahil sa kakulangan ng pagkaintindi sa sitwasyon, nang silaý lumuwas sa Maynila para mag-aral ng kolehiyo, sinuway nila ang utos ng kanilang mga magulang at ito ay nagbunga sa isang pagkakamali na kanila nga namang iniyakan at pinagsisihan. At ang pangalawang bahaging ito ng akda ay naganap na sa tinagurian nilang bagong paraiso. May pagkaluma rin ang mga pangyayari sa akda ngunit maaari pa rin itong maipakita sa isang modernong pananaw. Nagkakaisa ang mga pangyayari mula simula hanggang wakas upang mailahad ang aral ng kwento na nasa huli nga ang pagsisisi at kailangang makinig sa mga magulang upang magabayan sa pagiging maingat. Kulturang Masasalamin sa Akda – Naisasalamin sa akdang ito ang kultura ng Pilipinas na kung saan pinapahalagan ng mga nakakatanda ang kahalagahan na makatapos sa pag-aaral at ang pagkamit sa mga pangarap. Nailalahad din dito ang konserbatibong kaugalian ng mga Pilipino na kung saan hindi masyadong tanggap ng lipunan ang malapit na pagkakaibigan ng isang binata at isang dalaga. Ito’y dahil sa pinapaniwalaan ng mga nakakatanda na ang uri ng pagkakaibigang ito ay nagpapalapit lamang sa mga kabataan
sa tukso at baka mauwi pa sa hindi inaasahang pangyayari. Sa kabuuan, masasabing ang kulturang masasalamin sa akda ay tunay ngang nakaimpluwensiya sa pananaw ng mga Pilipino pagdating sa paggawa ng mga pasya na hinggil sa pakikipagkaibigan sa ibang kasarian, pakikipagrelasyon at pagkawalang-malay sa katotohanan ng buhay. III.
PAGSUSURING PANGKAISIPAN Mga Kaisipang Taglay ng Akda – Nakapaloob sa kwento ang pagpapaliwanag sa mga pagbabagong kinakailangang pagdaanan ng dalawang magkakaibigan habang sila’y lumalaki. Naimumulat ang mga mambabasa sa katotohanan na ang kultura ng Pilipinas ay sumasalamin sa pagiging konserbatibo. Pinapahalagahan dito ang makatapos sa pag-aaral at ang pagkamit sa mga pangarap. At upang marating ang tagumpay na ito, kinakailangang mailayo ka sa anumang uri ng tukso. At dito papasok ang ideya na hindi tuluyang tanggap ng lipunang Pilipino ang malapit na pagkakaibigan ng isang lalaki at isang babae. Madalas, kapag ika’y malapit sa isang tao sa ibang kasarian, mahihinuha na sa mura mong edad, maaari kang madala sa tukso. Ito’y may katotohanan nga naman ngunit hindi rin siguro tama na nilalahat ang mga taong may ganitong sitwasyon. Nasa pag-unawa naman ito nakasalalay. Hindi maipagkakaila na malaki nga naman ang kasalanang nagawa ng dalawang pangunahing tauhan sapagkat sila ay sumuway sa mga iniutos ng kanilang mga magulang. Sa pagnanais nilang makatagpo ng panibagong paraiso, napunta sila sa isang pagkakamali kanila nga namang pagsisisihan. Tunay nga naman kasi na may dahilan nga naman ang mga magulang nila sa kanilang pangangaral sa kanilang mga anak. Ngunit, dito naman papasok ang pagkakamali ng kanilang mga magulang. Kasi kung tutuusin kung higit pa nilang naipaliwanag nang mabuti sa kanilang mga anak ang dahilan kung bakit sila ay pilit na pinaghihiwalay, hindi sana umabot sap unto na kung saan, sila na mismo ang humanap ng paraan upang makontento ang pagnanais nila sa kalayaan. Kung mas naipaliwanag pa nila ito at ipinaintindi sa kanilang mga lunalaking anak, wala sanang pagkwalang-malay na naganap at pagsisising mangyayari. Sa kabuuan, mahalaga na umiral ang pagkakaintindihan sa pagitan ng anak at ng mga magulang upang mas tuluyang maipaliwanag ang buong sitwasyon. At kung maaari sana, mawala na ang pagkairal ng paglalahat sa mga sitwasyon sa mga kasapi ng lipunang unti-unti nan gang sumisira sa pananaw ng mga tao sa pangkasalukuyan. Estilo ng Pagkakasulat ng Akda – Napakaraming talinghaga ang nagamit sa paglikha ng akda ngunit matagumpay naman itong nailahad sa isang masining na paraan. Masasabing naaangkop ang pagkabuo ng akda sa antas ng pag-unawa sa karamihan sa mga
mambabasa. At para sa akin, masasabi kong tunay nga na naging mabisa ang paggamit ng estilong ito sa paglikha ng akda. Nang dahil sa mahusay na pagkakasalaysay sa mga pangyayari, sa mga diyalogong maayos na naihayag, sa mga talinghagang nakadagdag sa kariktan ng panitikan at sa kabuuang kakintalan nito na tunay ngang tatatak sa isipan ng mga mambabasa, masasabi nga na ang estilo ng pagkakasulat ng akda ay napakahusay at napakabisa. IV.
BUOD Bata pa lang sina Ariel at Cleofe ay lagi na silang naglalaro sa damuhan at dagat. Para sa kanila, ito ay isang paraiso dahil namamangha sila sa paglubog ng pula na araw. Habang lumalaki na sila, marami na silang natutuhan bilang isang binata at dalaga. Dahil dito, pinagbabawalan na rin silang maglaro katulad noong bata pa sila. Noong pumunta na sila sa Maynila upang magkolehiyo, nagkita silang muli at nagsimula na ang kanilang pagmamahalan. Nalaman ito ng kanilang magulang at agad ng pinagbawalan muli silang magkita. Dahil dito, nagtanan sina Ariel at Cleofe at nabuntis si Cleofe at hindi nakita ang pulang araw.