1. Ang katwiran ang sistema ng pag-uunawa at pagpapahalaga ng isang tao. Para kay Kant, lahat ng nauunawaan ng tao ay ayon sa pagpoproseso ng kaniyang isip gamit ng mga kategoriya, at dagdag ni Rodriguez, gamit din ng metis. Para naman kay Scheler, ang halaga ng mga bagay ay nakikilala ng kalooban ayon sa ordo amoris. Ang katwiran ang balangkas ng unawa at pagpapahalaga ng tao. Laging may katwiran sa ginagawa natin, dahil hindi mo naman gagawin iyon kapag wala kang katwiran. Ang katwiran ay (composed of) ng pag-uunawa at pagpapahalaga. Ang pag-uunawa, ayon kay Kant, ay ang kung paano tayo umaalam and umuunawa sa isang ideya. Gumagamit ito at nagsisimula ito at sa pamamamagitan nito ang isip. (transition) Nakakakita tayo base sa mga stimuli. Nagpapakita ang puno sa mata, at pinoproseso ng isip. Hindi tayo nakikita kung walang utak, ngunit lagi itong nakadepende sa kung paano tayo tumitingin sa isang bagay. Samakatuwid, lahat ng nauunawa natin ay may porma at paghuhubog. Lahat ng pinoproseso natin ay ayon sa space at time. (big bang) Tumitingin tayo sa pamamagitan ng paglalagay ng mga konsepto sa mga kategorya, na kung saan dito dumadaan ang lahat ng hilaw na datos at umuunawa tayo base dito. (ex. May nakitang itim na pusa tapos nadapa, blame the cat). Dito rin pumapasok ang metis na sinasabi ni Kant. Ang metis na nabuo mula sa matagal na pasasalamuha ng katalagahan. (ex sidewalk) Ito narin ang sentido komun. Makikita natin na ang pag-uunawa ay particular sa mga tao, dahil iba iba ang karanasan ng tao. Subalit kahit magkaiba ang ating metis o ang sentido komun, pareho tayong umuunawa ng iisang katalagahan. (ex elephant) Sa kabilang dako, ang pagpapahalaga naman ayon kay Scheler, ang umaakit sa kalooban ng isang tao na magpasiya ukol sa isang bagay. Ito ang pumupukaw sa isang tao na kumilos. Magkaiba ito sa balangkas ng pag-unawa ni Kant, kung saan ang pagkilos ng tao ay nanggagaling sa kanyang kaisipan. Manapa, kung ang metis ang Sistema ng pag-uunawa, ang ordo amoris naman ang Sistema ng pagpapahalaga, at ito ang humuhubog sa atin sa kung paano tayo nagbibigay ng halaga sa isang bagay. Sa pagpapahalaga, minsan ay itinutulak tayong kumilos na labas sa pagiging praktikal. Hindi nagiging rasyonal ang desisyon ng tao, ngunit kahit ganoon, tinatago o pinahahalagahan pa rin niya ang isang gamit, halimbawa, dahil mayroong emosyunal na akap mula sa mga karanasan na nakatali sa gamit na iyon. Isang halimbawa rito ay ang bolpen. May iba’t ibang halaga ang bolpen sa bawat tao. Ang pangunahing silbi ng bolpen ay para magsulat. Ngunit para sa iba, ito’y maaaring may pinansiyal na halaga, sentimental na halaga (maaaring mayroong nagbigay sa kanya) o iba pa. Maaaring ang bolpen na walang tinta at walang silbi, ay itatago pa rin dahil mahal niya ang nagbigay nito sa kanya. Maaaring maisip ng tao kung bakit pa nila itatago ang bolpen kahit na wala na siyang silbi. Ito ang dahilan kung bakit masasabing hindi palaging rasyonal ang pagpapasiya ng kapag galing sa kalooban, at, katulad ng pag-uunawa, hindi rin ito unibersal dahil dumedepende rin ito sa karanasan ng isang tao. Samakatuwid, kaya sinasabing ang katwiran ay bumubuo ng pag-uunawa at pagpapahalaga, dahil parehong kelangan ng isip at puso sa mga pinapasiya natin sa ating buhay.
Mahalaga ang katwiran dahil hindi ito mahihiwalay sa bawat isip at kilos natin bilang tao Parating may katwiran ang ginagawa natin; parating may istruktura ang pag-iisip natin, kahit sabihin nating mali o hindi rasyonal ang mga ito At kapansin-pansin na magkakaiba ang katwiran ng bawat tao, sapagkat sa iba’t ibang paraan natin nakikita, naiintindihan, at pinahahalagahan ang katalagahan base sa impormasyong mayroon natin, sa ating mga karanasan at ating kapalaran Sa gayon, masasabi nating ang katwiran ay binubuo ng dalawang bahagi: ang pag-unawa at ang pagbibigay-halaga
Pag-unawa: Kategoriya Ayon kay Kant, ang pag-unawa natin ay nakapako sa mga tinatawag niyang ‘kategoriya,’ mga kasangkapang bumubuo sa isang natatanging sistema ng pagtingin at pagdaranas sa mundo Ang balangkas na ito ay innate sa atin, at ito ang nagdidikta kung paano isinasaayos ng senses at utak natin ang “raw data” na nakakasalamuha natin
o
ex. Kung nakakita tayo ng isang puno, ang mga kategoriya natin ang namamahala sa kung anu-anong parte ng katalagahan (noumena) nito ang makakalap natin at kung paano natin ipapagsama-sama ang mga fragments na ito upang mabuo ang ating pag-unawa rito (phainomena) Dahil isinilang tayo nang mayroon nang mga kategoriya, noon pa lamang ay may nakatalagang paraan na tayo ng pag-intindi sa mga bagay, at dito nanggagaling ang kahirapan nating lumihis mula sa sarili nating pananaw
Pag-unawa: Metis Ang mga kategoriyang binabanggit ni Kant ay nakukuha natin sa mismong pagiging tao natin, ngunit mayroon din namang mga kategoriya ng ating balangkas na lampas sa necessity, na hindi kaagad na nakakabit sa atin bilang tao ngunit unti-unti rin nating nakasasanayan Ito ang tinatawag ni Rodriguez na metis—mga kategoriyang natatatag habang tayo’y tuluyang nakikipagsapalaran sa katalagahan Namamana natin ang mga ito mula sa kapaligiran natin, sa ating mga naging karanasan, at dahil iba iba tayong mga tao na may iba’t ibang karanasan sa buhay, sumusunod lang na iba iba rin ang ating metis Sa paulit ulit nating pag-iisip at paggawa sa paraang kinalakihan at kinasanayan natin, eventually ay nagiging sentido komun na rin ito para sa atin, at sa gayon ay hindi na lamang ito nagsisilbing kaalaman kundi isa na ring balangkas ng ating pag-uunawa *Ang pag-unawa ay laging partikular ngunit hindi relatibo. Kahit ang bawat tao ay malayang dumaranas ng katalagahan sa sarili niyang paraan, sa huli ay iisa pa rin ang katalagahang binabalikan ng mga balangkas na ito, may “absolute truth” pa rin na kahit papaano’y gumagabay din sa ating pag-uunawa. Pagpapahalaga Kung ang unang bahagi ng katwiran ay nakatuon sa pag-iisip at pag-uunawa, ang ikalawang bahagi naman nito ay nakatuon sa kalooban Ang bahaging ito ay tumutukoy sa kung paano pinupukaw ng mga bagay ang ating loob, kung paano tayo inaakit ng mga ito na kumilos Ayon kay Scheler, ang rekognisyon natin ng halaga ay nakasalalay sa ating ordo amoris, na siyang balangkas ng ating kalooban (katapat ng kategoriya ni Kant para sa pag-uunawa) Ang ordo amoris natin ang humuhubog sa ating paraan ng pagpapahalaga; ito ang basehan ng ating likas na inklinasyon tungo sa partikular na antas ng halaga Lima ang antas ng halaga na ito: o Pinakamababa ang pakinabang, o kung anong kabutihan ang madadala ng isang bagay sa atin o Sunod ang sarap, na nakapokus sa pisikal na kalugurang nakakabit sa paggamit ng bagay o Pangatlo ang buhay, o ang siglang naidaragdag nito sa pag-iral natin o Sunod ang diwa, o ang kabuluhang nahahanap sa loob ng mga bagay sa porma ng katotohanan, inspirasyon, katuparan, kasiyahan, o kaya’y sentimental na halaga o Pinakamataas na antas ang banal, na tumutukoy sa pagiging isa ng sarili at ng bagay, nang hindi na nakapako sa isang (ang ano?) Depende sa ating ordo amoris at pati ang sitwasyon, isa sa mga antas na ito ang mas matutuunan natin ng pansin kaysa sa iba Ngunit hindi natin masasabing mas mabuti ang pagtuon sa isang partikular na antas kaysa sa iba, sapagkat kapag natutugunan natin ang mga bagay nang angkop sa ating ordo amoris ay natutupad natin ang tawag ng halagang pumupukaw Nagiging baluktot lamang ang ordo amoris ng tao kung lagi na niyang pinipili ang mas mababang halaga at ikinukulong niya ang sarili niya rito Mahalagang alalahanin na hindi limitado ang nakikita nating antas sa idinidikta ng ating ordo amoris; lagi tayong may potensyal na makita ang ibang mga antas kung gugustuhin lamang natin 2. Sapagkat umuunawa at nagbibigay-halaga ang tao ayon sa kaniyang katwiran, parati siyang kumikilos nang ayon sa katwiran. Hindi maiiwasan ng táong
magkaroon ng paunang-hatol sa kaniyang pakikisalamuha sa katalagahan, at maaaring makulong ang tao sa sariling katwiran na hahadlang sa kaniyang makilálang bahagi siya ng multiberso ng katwiran. Hindi unibersal ang katwiran dahil ang iba iba ang karanasan ng mga tao. Palagi tayong kumikilos ayon sa ating katwiran dahil tinutulak tayo ng sarili nating ordo amoris at metis na kumilos ng ganito. At dahil iba iba ang ating mga karanasan, hanggang ditto lamang natin nababase ang katwiran at aksyon natin. Isang halimbawa, ayon sa teksto ang pananaw ng sekular vs pananaw ng relihiyoso. Para sa relihiyoso, may mga lugar na banal; may karapat-dapat na tahanan at hindi. Ang kilos niya ay kung saan ang banal. Para naman sa sekular, walang banal sa mundo. Pareho lamang ang lahat ng lupang nakikita nila. Dahil dito masasabi natin na palaging may paunang hatol ang tao sapagkat ebidensiya ito ng sariling katwiran. (in the same sense na) nakukulong ang isang tao sa sarili niyang katwiran. Palagi tayong may prejudice or first impression tungkol sa isang bagay. Ang paunang hatol ang humuhubog sa ating katwiran, ngunit ito rin ang dahilan kung bakit hindi natin nakikita ang multiberso ng katwiran. Masyado tayo nakukulong dito at hindi natin nakikita ang katwiran ng ibang tao. ex.masydaong natuwa sa katwiran ng tao na gumamit ng likas na yaman ngunit di nakikita na may halaga ang mga ito. Minsan, kelangan pang mawasak ang perception upang mamulat sa katalagahan. Doon mo lamang malalaman at mamumulat na may higit pa sa konsepto mo at marealize na hindi pala tama, o may iba pa sa pinaniniwalaan ko. Kung hindi natin ito winasak, wala tayong curiosity at pagkakataka. Parang sad kasi may kelangan pang masaktan o mag-away upang mamulat. Ex. Bakit kelangan pa ng JEEP upang makisalamuha sa kapwa? Kaya mahalaga ang diyalogo, ang pakikisalamuha sa tao upang mamulat sa katwiran ng ibang tao. Ex. Sa food o sa relihiyon. Dahil mayroon tayong multiberso ng katwiran, mayroong talagang hindi magkakasundo.
Katwiran at paunang-hatol
Mahalaga ang katwiran dahil hindi ito mahihiwalay sa bawat isip at kilos natin bilang tao
Parating may katwiran ang ginagawa natin; parating may istruktura ang pag-iisip natin, kahit sabihin nating mali o hindi rasyonal ang mga ito
Ang bisa ng katwiran bilang balangkas ay makikita natin sa pagkakaroon natin ng mga paunang-hatol, o mga impresyong mayroon na natin sa bagay bago pa man natin ito makasalamuha
Ang paunang-hatol na ito ay kadalasa’y nagmumula sa isa nating karanasan ng katalagahan, tulad ng kung paanong mas higit tayong naniniwala sa datos kapag mayroon itong siyentipiko o matematikal na pagpapatunay
At nakakatakot ang mga paunang-hatol dahil hindi natin sila maiiwasan, at kung nagkamali tayo at nakulong sa ganoong maling hatol, magkakaroon ito ng negatibong epekto sa ating pagkilos at pagdedesisyon
Pagkakulong sa sariling katwiran Ngunit dahil isinilang tayo nang mayroon nang mga balangkas ng pag-uunawa at pagpapahalaga, noon pa lamang ay may nakatalagang paraan na tayo ng pag-intindi at pagpapaakit sa mga bagay, at dito nanggagaling ang kahirapan nating lumihis mula sa sarili nating pananaw Sa gayon, madali para sa ating manatili na lamang sa perspektibang mayroon natin ngayon, sapagkat hindi naman natin napapansin na tayo ay mayroong balangkas na ganito
(automatic na kasi ito), at hindi rin natin naiisip na iba mag-isip ang ibang tao dahil iba ang kanilang balangkas sa atin Dahil dito, para sa atin ay iisa lamang ang paraan ng pagtingin sa mga bagay, na kung anumang hatol natin ay iyon na ang tama, kung kaya’t hindi na natin hinahamon ito (o tinatangkang tumingin mula sa ibang perspektiba) at napipigilan tayong hamaking kilalanin ang talaga Ang nagpapalala pa rito ay na madalas, napapaloob tayo sa isang “echo chamber” sapagkat natural na pinapaligiran tayo ng mga taong mayroong halos parehas na katwiran sa atin
Paanong hindi makulong sa sariling katwiran Kailangan nating mayanig o mawasak ang mga konseptong nabuo na natin upang mamulat tayo sa ibang paraan ng pagtingin, sa ibang katwiran Ito ang magpapatanto sa atin na maaaring kulang o kaya’y hindi naman pala tama ang katwiran natin, na hindi ito ganoon katapat sa katalagahan Sa ganitong paghahamon lamang maibabalik ang “wonder” o pagtataka natin At dahil nga ang katwiran ay partikular (at kahit maraming iba’t ibang perspektiba ay iisa pa rin lamang ang katalagahan), ang pagkamulat sa multiberso ng katwiran ay nakapagbibigay puwang para sa diyalogo Ang diyalogong ito ang magiging pundasyon ng pagiging interdisciplinary natin, ng ugnayan ng magkakaibang katwiran, kahit kailangan din nating tanggapin na hindi maiiwasan ang mga pagkakataong hindi natin mauunawaan ang katwiran ng iba at hindi nila mauunawaan ang atin
Pananaw ng sekular vs. pananaw ng relihiyoso→ they don’t understand each other Umuunawa: if you start seeing like that, di mo malalaman na may iba palang paraan upang makita ito. o Dumadaan sa kategoriya (metis): nabuo mula sa matagal na pakikisalamuha sa katalagahan kaya iba iba ang pagtingin o Parang cartesian plane o Phainomena lamang at walang noumena o Puno sa gubat May nangyari + may nakauunawa = kaalaman Pagpapahalaga: o Pumukaw sa kalooban na kumilos
Paunang hatol: laging may prejudice sa bagay o first impression o dahil dito nakikita natin ang katwiran--> evidence of katwiran o dahil iba iba ang katwiran, iba iba narin ang paunang hatol o at ito ang humuhubog sa ating katwiran o ngunit nakukulong ang tao sa sariling katwiran na di nakikita ang multiburso ng ito. (ex.masydaong natuwa sa katwiran ng tao na gumamit ng likas na yaman ngunit di nakikita na may halaga ang mga ito) o minsang kelangang mawasak ang perception upang mamulat sa katalagahan o masyadong nakukulong ang tao sa sarili niyang katwiran na di napapansin na ito lamang ang kanyang paunang hatol kaya ito ang dahilan kung bakit kelangan natin ito mawasak upang mamulat tayo Talk about diyalogo Ex. food: many versions, JEEP: encountering people 3. Nagtatagpo ang katwirang lungsod at katwirang lalawigan sa edukasyon. May taglay na kabalintunaan ang edukasyon, mula pa noong panahon ng mga Kastila hanggang sa kasalukuyan. Hindi pa ito mabisàng tagpuan ng dalawang katwiran, kayâ hindi pa masasabing makabayan ang kasalukuyang sistema natin ng edukasyon. Ayon sa teksto, Isang halibawa ng pagtunggali ng katwiran ang lungsod at lalawigan. Higit na relihiyoso ang lalawigan at higit na intimate sila kumpara sa kultura ng lungsod, na kung saan higit silang materyalistiko.
Nagtatalaban ang dalawang katwirang ito sa edukasyon noong panahon ng pananakop ng Kastila at ng Amerikano. Sa panahon ng Kastila, ipinagkait ng edukasyon upang maitaguyod ang kapangyarihan dahil alam ng Kastila na hindi mauunawaan ng mga Pilipino ang katwirang Kastila sapagkat banyaga ito sa kanila dahil sa kamangmangan. Dahil dito, nagkaroon ng hati sa pananaw: ang asimilisasyon ng lungsod, at ang kalayaan sa lalawigan. Ang asimilisasayon ang pag-accept lamang sa tinuro ng mga kastila, sa kabilang dako naman ang kalayaan ang pagiging rebolusyonaryo at ang malawakang pag reject ng mga tinuturo ng mga Kastila. Dahil dito, ang pagiging edukado kahit na lumalawak ang iyong kaalaman, ay inilalayo ka sa mga katutubo dahil hindi mo naman maaaring makontrol ang pag-unawa ng mga katutubo upang umayon ang kanilang katwiran sa katwirang dayuhan.
Sa kabilang dako naman, ang pagdaloy ng mga Amerikano ang nagsimula ng edukasyon sa Pilipinas. Hinihikayat ang mga Pilipino na mag-isip katulad ng mga Amerikano ngunit ginawa nila ito upang maging mabuting tagasunod sa kanila. Problemado rin dahil lalong lumawak ang agwat ng katutubo sa edukado dahil sa pagtataguyod ng mga pribadong paaralan. So ang nangyari ay nagkaroon ng higit na malaking gap at ibang kalidad ng edukasyon sa pribado at pampublikong paaralan.
Sa kasalukuyang panahon naman, nagkaroon ng pagtatalaban at kabalintunaan dahil magkakaiba ang sistemang umiiral sa loob sa paaralan kumpara sa labas ng paaralan, dahil kung sa paaralan gumagamit ka ng katwirang dayuhan, ngunit pag uwi mo naman sa bahay katwirang katutubo naman ang gamit mo upang umunawa ng iyon. Manapa na hindi mo rin magagamit ang natututunan mo sa paaralan. Dahil dito, masasabing ang pangangailangang kumilos sa 2 magkaibang katwiran ay nagbubunga sa pagiging hindi produktibo sapagkat hindi mo naman tunay na naisasabuhay ang mga napag-aralang, sa tunay na nangyayari sa iyong buhay.
Kaya masasabing hindi makabayan ang edukasyon. Hindi naman sinasabi na mali ito, ngunit ang nangyayari kasi ay ang edukasyon ang may kaakibat pang maglayo sa hindi edukado. Hindi mabisang tagpuan ang dalawang uri gn edukasyon dahil ito ay gumagalaw sa 2 katwirang hindi magkasundo. Ngunit maaari pa tayong magkaroon ng makabayang edukasyon sa pamamagitan ng pag-aangkop, pagkakaroon ng kamalayang Pilipino, pagsisiayos ng kaalaman, at paggamit ng wikang Pilipino.
Nagsimula ang pagdaloy ng katwirang lungsod noong panahon pa lamang ng Kastila. Hindi natin naintindihan ang katwiran nila dahil sa kamangmangan. Ang mga prayle ay nagtuturo upang takutin ang mga Pilipino. Kumikilos ang mga Kastila ayon sa katwirang dayuhan, at dahil walang paraan ang mga Pilipinong lumaban dahil sa kamangmanagan, inaaccept lamang nila ito at hindi na nila quinestion ang katwirang ito. Manapa, dahil din na sa lungsod lamang naginvade ang Kastila, nagkaroon ng hati sa pananaw ng lungsod at lalawigan. Noong panahon naman ng Amerikano, nagtayo sila ng pampublikong paaralan upang maging mabuting tagasunod sa kanila. Vs kastila na prevented education. Ngunit ang nangyayari ay nag-aral tayo upang maging mabuting tagasunod sa kanila. So ang nangyayari ay nag-aaral lamang tayo upang matutunan ang katwiran ng iba. Nagkaroon pa lalo ng tension noong nagtayo ng pribadong paaralan dahil nagkaroon ng hati sa unibersal at hindi unibersal. (transition) kung kaya masasabing katwirang lalawigan ay maihahalintulad sa katwirang katutubo, in the same sense na ang katwirang lungsod ay maiihalintulad sa katwirang
lalawigan. Higit na kolektibo at relihiyoso ang katwirang katutubo, sa kabilang dako, higit na materyalistiko ang katwirang lungsod.
Hindi lang siyentipiko at matematika ang lehitimong katwiran. May naiaambag din ang praktikal na katwiran (hal. Paniniwala sa superstition)
2 katwiran
o
Katwirang katutubo - kolektibo, relihiyoso
o
Katwirang lungsod - materyalistiko
Pagtatalaban ng 2 katwiran sa edukasyon sa panahon ng Kastila o
o
Asimilasyon: isinulong ng mga natutuo at nakapag-aral dahil nauunawaan nila kung paano mag-isip ang ang Kastila; bihasa (expert) na sila sa katwirang dayuhan
Kayaan: isinulong ng mga katutubo dahil matindi ang paniniwala nilang ang katwirang dayuhan ay hindi dapat ipatupad sa Pilipinas; ito ay dahil hindi sila sanay sa katwirang dayuhan
Dahil dito, ang pagiging edukado kahit na lumalawak ang iyong kaalaman, ay inilalayo ka sa mga katutubo dahil hindi mo naman maaaring makontrol ang pagunawa ng mga katutubo upang umayon ang kanilang katwiran sa katwirang dayuhan
Pagtatalaban sa edukasyon sa panahon ng Amerikano o
o
Ipinagkait ang edukasyon upang maitaguyod ang kapangyarihan dahil alam ng Kastila na hindi mauunawaan ng mga Pilipino ang katwirang Kastila sapagkat banyaga ito sa kanila
Isinulong ang edukasyon. Problemado rin ito dahil kung susuriin, hinihikayat ang mga Pilipino na mag-isip katulad ng mga Amerikano at sa huli, magiging taga-sunod lang din sila
Problemado rin dahil lalong lumawak ang agwat ng katutubo sa edukado dahil sa pagtataguyod ng mga pribadong paaralan
Hindi unibersal ang magandang kalidad ng edukasyon. Halimbawa, iilan lamang ang nakapag-aaral sa Ateneo, DLSU, UST
Dahil dito, masasabing lumikha ng banyaga sa sariling bansa ang sistema ng edukasyon sa panahon ng Amerikano
Pagtataban sa kasalukuyan o
Magkaiba ang umiiral na sistema sa paaralan at sa labas ng paaralan
Katwirang dayuhan ang itnuturo sa paaralan kahit hindi naman ito ang nagaganap sa sa labas ng paaralan
Hal. hindi naman napag-uusapan ang mga teknikal na subjects (Math) sa bahay
o
Dahil dito, masasabing ang pangangailangang kumilos sa 2 magkaibang katwiran ay nagbubunga sa pagiging hindi produktibo sapagkat hindi mo naman tunay na naisasabuhay ang mga napag-aralang, sa tunay na nangyayari sa iyong buhay.
Kaya masasabing hindi makabayan ang edukasyon dahil sa mga talaban. o
Upang maging makabayan (makabayan=edukasyon para sa Pilipino)
Kailangang iangkop/bagayan
Kamalayan sa kasaysayan/ugali
Wika: nagiging pagsasaulo dahil ingles ang tinuturo ngunit Filipino ang ginagamit a labas ng paaralan; hal. Mother tongue based education
Pagsisiayos ng nilalaman: ituro kung ano ang magagamit ng bata bilang trabaho
Pagsisiayos ng pamamaraan: sapagkat nagpapahintulot ang grades ng kumpetisyon
4. Sapagkat sumasakatawang-diwa ang tao, likas na karapatan ang pagmamay- ari. Lumaganap ang pribadong pag-aari mula sa diwa ng indibidwalismo, na siya ring nagsilang sa kapitalismo. Sa tunggalian ng pagkakapantay-pantay at pagiging patas, mainam na alalaháning ang karapatan sa pag-aari ay hindi absoluto sapagkat ito’y mga “ari-arian” lámang.
Sumasakatawang diwa o
Hindi maiuuwi ang tao sa kanyang katawan sapagkat siya ay may diwa at sa pamamagitan ng kanyang diwa, malay siyang ginagamit niya ang kanyang katawan. Hindi siya nabubuhay sa katawan lang. (not sure)
o
Hindi maiuuwi ang tao sa kanyang diwa lamang dahil nararanasan niya ang mundo gamit ang kanyang katawan
Dahil tayo ay sumasakatawang diwa, nararanasan natin ang mundo gamit ang ating katawan at isang tulay ang mga ari-ariang ito upang maranasan ng ating katawan ang mundo o
Therefore, likas sa atin na kailanganin ang pag-aari at magkaroon ng karapatang magmay-ari
Ngunit problemado ang pagmamay-aari dahil: o
Limitado ang mga pinagkukunang yaman=dahil dito nagkakaroon ng recompetition
o
Limitadong tao lamang ang maaaring magmay-ari=may exclusivity ang pag-aari
Kaugnay ng pagiging eksklusibo ng pag-aari, sa pag-usbong ng indibidwalismo noong renaissance period, nagkaroon ng pribadong pag-aari. o
Dahil isinulong ang sekularisasyon o pagtanggal sa relihiyosong elemento sa mga paniniwala ng tao, nagkaroon ng ideya ang tao na kaya na niyang mag-isip para sa kanyang sarili. → pagiging indibidwalismo
o
Nagbunga ang indibidwalismo sa kapitalismo dahil may pag-iisip na kaya na ng taong i-sustain hindi lang ang kanyang sarili kundi pati ang kanyang pamilya hindi lamang para sa araw na ito kundi pati sa hinaharap
Hal. may specific na farmers lamang ang maaaring magmay-ari ng lupa
Hindi na kailangang problemahin ang bawat araw dahil maaari nang kumita ng pera na tatagal sa hinaharap
Dahil nagkaroon na ng kapitalismo, nakatali na ang paggawa sa kita. Ngunit nagkakaroon ng tungalian sapagkat sa perspectiba ng kapitalismo, dapat patas ang pag-aari ng mapagkukunang yaman samantalang para sa mga mahihirap, mas mainam ang pagkakapantay-pantay o
Pagiging patas - proportionate sa lawak ng pagiging produktibo ng trabaho ang makukuhang yaman
Problem
o
o o
Kung sino ang may hawak ng kasangkapan ng produksyon, siya ang may hawak ng kapangyarihan → may kakayahan siyang baguhin ang katwiran ng iba
Pagkakapantay-pantay - magkakatulad na oportunidad sa pag-aari ng mapagkukunang-yaman. Kung pantay-pantay, hindi na ito patas dahil pareho lamang makukuha ng lahat Problem Hindi naman pare-pareho ang kapital ng bawat tao. Kung pantaypantay ang ibibigay na yaman at magkakaiba naman ang kapital ng tao, magreresulta rin ito sa hindi pagkakapantay-pantay Sa tunggalian ng pagiging patas at pagkakapantay-pantay, mainam alalahaning hindi absoluto ang pag-aari dahil ari-arian lamang ito “Ari-arian” = pansamantala Hindi absoluto dahil limitado ang karapatan sa pag-aari since hindi lang ikaw ang may karapatan magmay-ari. May ibang tao rin na nangangailangan ng karapatan sa pag-aari at kung labis ang iyong ang iyong yaman, “ninanakawan” mo ng karapatang magmay-ari ang iba, at ito ang dahilan kung bakit nasasagabal sa pakikipagkapwa ang pagmamay-ari
5. Parating nása perspektiba ng kapitalista ang ekonomika, kayâ hindi napupuna ang alyenadong paggawa—sa produkto, sa akto ng paggawa, sa pag-iral na pangsangkatauhan, at sa kapuwa tao—na nararanasan ng mga manggagawa. Dahil mga tao rin mismo ang gumagawa nitong alyenasyon (sadya man o hindi), nasasakripisyo ang pagkatao alang-alang sa takbo ng merkado. Parating nasa perspektiba ng kapitalista kung kaya naaalyenado ang mga laborers o dahil hindi tinitingnan ang ang mga laborers o Optimal point, breakeven point, shutdown point, etc Makikita ito sa 4 antas: 1. Produkto Hiwalay siya sa manggagawa. Lahat ay binibigay at binubuhos sa isang bagay ngunit hindi naman iyo yun Kung ano man ang paggawa, nagiging iyon ang bagay Walang pagkakataong tawagin kanya ang bagay na iyon dahil alienated siya at tila nagiging alipin na siya ng mismong ginagawa niya dahil ito ang nagpapamanggagawa sa kanya o Ex. Karpintero Mabilis palitan ang isang manggagawa ngunit hindi mabilis makalimutan ang manggagawa dahil ang final product ang mahalaga 2. Akto ng paggawa Napipilitan ang isang tao dahil kelangan 3. Pag-iral na pangsangkatauhan Nawawala ang distinction ng tao sa hayop dahil nagtatrabaho na lamang siya dahil kelangan niya iyon upang mabuhay Nawawala ang kamalayan 4. Alyenasyon sa kapwa tao dahil lahat ng tao ay ganun, hindi
Sa tuwing tinutukoy natin ang political economy o ekonomika, hindi maiiwasan na ito’y makita sa perspektiba ng kapitalismo, kung saan mayroong konsepto ng pribadong pag-aari at ang pokus ay laging nakatuon sa produkto imbis na sa manggagawa Dahil ganito ang mga implikasyon ng kapitalismo, hindi ito mahihiwalay sa tinatawag ni Marx na alyenadong paggawa
Nahahati ito sa apat na antas: 1. Ang unang antas ay ang produkto mismo. Sinasabing may alyenasyon dito sapagkat ang manggagawa ay walang kakayahang gawing pag-aari ang sarili niyang gawang produkto o Nangyayari ito dahil sa paggawa ng tao ay ibunubuhos niya ang lahat ng kalinangan niya sa produkto, at sa gayon ay tila may nangyayaring “transfer” ng kalinangan mula sa tao papunta sa produkto, nang sa huli ay nagiging pag-aari na ito ng produkto, at nagiging hiwalay na ang produkto sa manggagawa dahil tapos na ang proseso ng pagbibigay ng manggagawa o Higit pa sa pagkabanyaga ng produkto ay nagiging alipin din nito ang manggagawa, dahil ang produkto ang mismong nagpapa-manggagawa sa kanila o Sa gayon ay nauuna na ang pagiging manggagawa kaysa sa pagiging tao, sapagkat may kapangyarihan ang produkto sa atin at idinidikta nito na ang produksyon ay mas mahalaga sa sarili—top priority ang produkto, dahil madali lang naman ipagpalit ang manggagawa 2. Ang ikalawang antas ay ang akto ng paggawa. Alyenado tayo rito sapagkat ang pagkilos natin ay hindi na masasabing atin; para na lamang ito sa produkto a. Masasabing ang akto ng paggawa ay siyang proseso ng alyenasyon, at ang unang antas o produkto ay siyang pinal na pagpapahayag ng alyenasyong nagawa b. Tila nagiging makina na lamang tayo, kung saan kahit hindi na tayo natutuwa sa trabaho natin ay gumagawa pa rin tayo dahil kailangan natin ito upang mabuhay c. Ito ang dahilan kung bakit hindi maganda ang pagtingin natin sa ating mga trabaho, dahil marami sa atin ay hindi naman gusto ang kanilang ginagawa, at sa gayon ay madali lang para sa kanilang ipagpaliban ito dahil hindi naman mahalaga sa kanila na unahin ito
3.
Ang pangatlong antas ay ang pag-iral na pang-sangkatauhan, kung saan nagiging alyenado tayo dahil survival na lamang ang nagiging motibasyon natin sa pagkilos a. Bilang tao, naiiba tayo sa mga hayop, halaman, at iba pang bagay dahil ang paraan ng pag-iral natin ay “characterized by” (nailalarawan ng?) conscious vital activity, o ang pagkakaroon ng malay sa mga ginagawa natin b. ‘Di tulad ng ibang buhay na bagay, kumikilos tayo hindi lamang para sa pamumuhay o dahil sa ating survival instinct; malaya tayong nakapipili kung ano ang gusto nating gawin c. Ngunit ngayon na naninirahan tayo sa isang kapitalismong mundo, unti unting nawawala ang kalayaang ito dahil sa tuluyang pagbuhos natin ng sarili natin sa mga bagay d. Kung titingnan natin ang trabaho, nagiging mas angkop na ang salitang “hanapbuhay” para rito, sapagkat imbis na maging isang malikhaing ekspresyon ito ng sarili nating “ion” ay nagiging pangangailangan na lang ito e. Sa pagbuhos natin ng ating sarili sa hanapbuhay, nawawala ang nagpapatangi sa atin mula sa ibang nilalang, dahil ang mga kilos natin ay hindi na nagpapahayag ng pagkatao, ng pagiging tao natin
4.
Ang huling antas ay ang kapuwa-tao. Ipinapakita nito sa atin na dahil lagi tayong nakapako sa perspektiba ng kapitalismo, hindi na natin nakikita ang iba bilang tao, ngunit bilang kasangkapan na lang para sa sarili nating pakinabang a. Nagiging normal na para sa atin na pahalagahan ang iba bilang sosyus, o base sa papel nila sa lipunan, sa maitutulong nila sa ating mga pangangailangan at sa maiaambag nila sa sarili nating paghubog b. Sa gayon ay nagiging banyaga sila bilang tao, dahil hindi na tayo nakikipag-ugnayan bilang tao kundi bilang manggagawa, at lagi nalang itong nauuwi sa kalakalan c. Iniisip nating walang mali sa ganitong paningin, basta’t may suweldo tayong naibibigay sa iba para sa pagbuhos ng pagkatao nila, ngunit ang mismong pagkabit ng ganitong “monetary” na halaga sa tao ay tinatrato na natin sila bilang mga obheto
Sa huling punto (antas) na ito, naipapalabas na hindi lamang tayo ang biktima ng alyenasyon; tayo rin ang nagpapalaganap nito Dahil ang alyenasyon ay hindi boluntaryo, kung may nakakaranas ng alyenasyon ay ibig sabihing may gumagawa nitong alyenasyon, alam/sinasadya man nila o hindi Ngunit hindi rin natin masasabing kasalanan natin ito, sapagkat ang pagpayag natin sa alyenasyon ay kinakailangan upang makasabay at mabuhay tayo sa sistemang kina-iiralan natin At ito na nga ang mahirap sa “integration” ng kapitalismo sa sistema natin—hindi natin ito matatakasan kasi hindi man lang natin ito maiwasan Ito ang dahilan kung bakit wala talaga tayong mahahanap na trabahong malaya sa alyenasyon, sapagkat kahit papaano ay kailangang pumatok sa merkado ang produkto o serbisyo mo; kontrolado ka pa rin ng eksternal na puwersang pumipigil sa’yong gawin ang lahat ayon sa sarili mong nais, at sa gayon ay nasasakripisyo ang pagkatao mo