Mga Hanapbuhay ng Sinaunang Pilipino Pagsasaka Ang malawak na kapatagan ay ginagamit ng mga unang Pilipino sa pagsasaka. Binungkal nila ang lupa sa pamamagitan, ng asarol, araro at suyod na hila-hila ng kalabaw. Unti-unting umunlad ang paraan ng kanilang pagsasaka. Natutunan nila ang pagkakaingin sa kabundukan at ang pagpapatubig sa kapatagan. Palay ang pangunahing tanim ng mga Pilipino, gayundin ang abaka, saging, kamote, bulak, niyog at bungangkahoy.
Mga Hanapbuhay ng Sinaunang Pilipino Pangingisda Ang mga unang Pilipino na nakatira sa tabi ng ilog at dagat ay pangingisda ang ikinabubuhay. Nakahuhuli sila rito ng iba’t ibang uri ng isda, kabibe, perlas at halamang dagat. Karaniwang ginagamit nila ang sibat, salakab, buslo, pana, bangka at lambat.
Mga Hanapbuhay ng Sinaunang Pilipino Pagmimina Ang mga sinaunang Pilipino ay natuto sa pagmimina ng iba’t ibang uri ng metal tulad ng ginto, bakal, tanso at pilak gamit ang piko, matibay na pamukpok at matutulis na bato. Ang bakal ay ginagamit nila sa paggawa ng mga kagamitan sa pagsasaka, mga sandata, at iba pa. Ang ginto ay ginagamit nila sa paggawa ng palamuti at alahas samantala ang tanso ay ginagawang kagamitan sa pagluluto tulad ng kaldero at kawali.
Mga Hanapbuhay ng Sinaunang Pilipino Pagpapanday Ang mga sinaunang Pilipino bago dumating ang mga Español, ay mahusay sa metalurhiya o pagpapanday ng mga metal tulad ng ginto, pilak at tanso.Gumamit sila ng apoy at pamukpok na bakal sa pagpapanday.
TANDAAN:
Ang uri ng kapaligiran ay may kaugnayan sa uri ng hanapbuhay ng mga tao sa isang lugar.
I. Panuto: Isulat ang pangunahing hanapbuhay ng mga sinaunang taong nanirahan sa mga kapaligirang inilalarawan sa ibaba. Isulat ang sagot sa papel. 1. Malalawak at matatabang na lupa sa kapatagan 2. Mga lawa at ilog na sagana sa mga isda
3. Malalawak na damuhan 4. Kagubatang maraming malalaking puno 5. Kabundukan at burol na sagana sa mineral
II. Panuto: Isulat sa papel kung saang paraan ng hanapbuhay may kaugnayan ang sumusunod. 6. sibat 7. ginto 8. suyod na hila-hila ng kalabaw 9. buslo 10. metal
Takdang Aralin # 1 Sa bawat coupon bond, iguhit ang mga produktong pangkalakalan sa bawat kabuhayan.
Binabati ko kayo!!!! Ipagpatuloy ang magandang nasimulan.