Kahalagahan ng Pag-aaral Mahalagang mapag-aralan natin ang pag-gamit ng mga batayang aklat sa pag-aral upang makatulong sa atin at makadagdag ng kaalaman kung bakit ito ginagamit sa pag-aaral at ang mga dahilan ng pag onti ng mga gumagamit sa pagaaral sa patuloy na paglipas ng panahon. Makakatulong din ang pag-aaral na ito upang malaman natin ang mga epekto ng pagiging moderno ng panahon at ang pag unlad ng tekonolohiya sa pag gamit ng batayang aklat. Sa pag-aaral din na ito ay malalaman din natin kung paano natin mapapanatli at lalong mapagtitibay ang pag gamit ng batayang aklat sa pag-aaral. Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang makadagdag ng mga kaalaman at makatulong sa iba pang mananaliksik hinggil sa pag gamit ng mga batayang aklat sa pag-aaral.