Modified In‐School Off‐School Approach Modules (MISOSA)
H E K A S I 4
Distance Education for Elementary Schools
SELF‐INSTRUCTIONAL MATERIALS
BAKIT IBA‐IBA ANG KLIMA AT PANAHON SA MUNDO Department of Education
BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS), DepEd ‐ Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.
This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project ed by AusAID.
GRADE IV BAKIT IBA-IBA ANG KLIMA AT PANAHON SA MUNDO
ALAMIN MO
• •
Pansinin mo ang mga bata sa larawan. Ano ang masasabi mo sa kanilang mga kasuotan? Saang bahagi ng mundo sila matatagpuan?
•
Sa modyul na ito matututunan mo ang : * *
iba’t-ibang bahagi ng mundo na tumatanggap ng iba’t-ibang tindi ng sikat ng araw habang lumiligid sa mundo. paghahambing ng mga panahon sa iba’t ibang latitud ayon sa posisyon ng mundo habang lumiligid sa araw. 1
PAGBALIK-ARALAN MO
Bago mo umpisahan ang modyul na ito, pagbalik-aralan mo muna ang nakaraang aralin. Sagutin mo ang mga pagsasanay sa ibaba. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan A. Iguhit ang tamang posisyon ng mundo sa pag-ikot nito sa paligid sa araw.
B. Ibigay ang tamang salita na hinihingi ng bawat pangungusap sa ibaba. _____ 1. Pagligid ng mundo sa araw. _____ 2. Buwan kung saan isinasama ang sobrang araw. _____ 3. Ito ay nagaganap minsan sa apat na taon. _____ 4. Umaabot sa _____ na araw ang isang rebolusyon. _____ 5. Nagaganap sa bilis na _____ km ang pag-ikot ng mundo. C. Isulat ang Wasto kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at kung mali ang isinasaad iwasto ito. _____ 1. Ang pagligid ng mundo sa araw ay tinatawag na rotasyon _____ 2. Sa pagbabago ng panahon kaagad na naaapektuhan ang temperatura. _____ 3. Ang bahaging di-nasisikatan ng araw ay masasabi nating gabi. Gabi sa bahaging di nasisikatan ng araw. _____ 4. Tumataas ang temperatura ng mga bagay kung ito ay di nasisikatan ng araw. _____ 5. Nakahilig ng 53½ digri ang mundo habang umiikot sa araw. 2
Kung nasagot mong lahat ang pagsasanay, maaari ka nang magpatuloy!
PAG-ARALAN MO
Suriin mo ang larawan ng globo.
Globo A
Globo B 3
Suriing mabuti ang globo A at globo B. Ang globo B ay kabilang bahagi ng globo A. may mga pahalang na guhit na makikita sa globo. Ang mga guhit na ito ay pawing nasa isip lamang. Ang guhit sa gitna ay ang Ekwador. Sa hilaga at timog ng ekwador ay may espesyal na guhit latitude. Mula sa ekwador patungong hilaga, makikita ang Tropiko ng Kanser at Kabilugang Artiko. Mula sa Ekwador papuntang hilaga, makikita naman ang Tropiko ng Kaprikornyo at Kabilugang Antartiko. Ano kaya ang kaugnayan ng mga espesyal na guhit na ito sa pagkakaibaiba ng klima sa mundo?
Tingnan mo naman ngayon ito. Hilaga 90
66 gitnang latitud
KABILUGANG ARKTIKO
66
TROPIKO NG KANSER
23
23
EKWADOR
0
0
TROPIKO NG KAPRIKORNYO
23
mataas na latitud
mababang latitud
23 gitnang latitud
mataas na latitud
66
KABILUGANG ANTARKTIKO
66
90 Timog
Sulyap-sulyapan mo ang nakalarawan habang bumabasa. Ang mga pagitan ng mga guhit ay sinusukat sa digri (°). Mula sa Ekwador pataas sa Tropiko ng Kanser at mula sa Ekwador pababa sa Tropiko ng Kaprikornyo ay may sukat na 0° hanggang 23½°. Ang bahaging ito ay sakop ng Mababang Latitud. Tingnan ang larawan ng Globo A at B. 4
Mula sa Tropiko ng Kanser hanggang Kabilugang Arktiko sa hilaga at mula Tropiko ng Kaprikornyo hanggang Kabilugang Antarktiko sa Timog ay 23½° hanggang 66½°. Ang bahagi ito ng mundo ang Gitnang Latitud. Mula Kabilugang Arktiko hanggang polong Hilaga at mula Kabilugang Antarktiko hanggang polong Timog ay 66½° hanggang 90°. Ang bahaging ito ay Mataas ng Latitud.
Tingnan natin kung nauunawaan mo ang mga paliwanag na binasa. Kopyahin ang drawing sa iyong kuwaderno.
90
66
66
23
23
0
0
23
23
66
66
90 Ilagay sa tamang guhit ang sumusunod.
5
-
mababang latitud gitnang latitud mataas na latitud ekwador
-
tropiko ng Kanser tropiko ng Kaprikornyo Kabilugang Arktiko Kabilugang Antarktiko
Upang higit na mauunawaan, basahin ang sumusunod; Sa pagligid ng mundo sa araw, may mga lugar sa mundo na tuwirang tumatanggap ng sikat ng araw. Ang mga lugar na ito ay matatagpuan sa pagitan ng Tropiko ng Kanser (23 ½° H latitud) at Tropiko ng Kaprekonyo (23 ½° T latitud). Ang bahaging ito ang tinatawag na mababang latitud. Tinatawag din itong tropiko. Ang mga bansang nasasakop ng mga espesyal na guhit na ito ay tinatawag na mga bansang tropical. Ang mga bansang ito ay nakararanas ng dalawang panahon; tag-ulan at tag-araw. Sa mga lugar naman na matatagpuan sa pagitan ng Tropiko ng Kanser 23 ½° at Kabilugang Arktiko (66 ½° H latitud) at Tropiko ng Kaprekornyo (23 ½° T latitud) at Kabilugang Antartiko (66 ½° T latitud), ang sikat ng araw ay pahilis. Ang mga bahging ito ay ang gitnang latitud. Ang klima sa parteng ito ay temperate o katamtamang init at lamig. Ang mga bansang nabibilang sa gitnang latitud ay may apat na panahon; taglamig, tagsibol, tag-araw at taglagas. Mula naman sa Kabilugang Arktiko 66 ½° H latitud hanggang Polong Hilaga 90° H latitud aty Kabilugang Antartiko 66 ½° T latitud, hangganng Polong Timog (90° T latitud) ay ang mga Rehiyong Polar o Mataas na latitud. Labis ang lamig dito dahil nababalot ng yelo sa loob ng anim na buwan, dahil hindi gaanong nasisikatan ng araw. Pol ong Kab
Trop i
ilug
ko n
Hila g
ang A
rkti
a
ko
g Ka nser
EKW ADO R
Araw Trop i
ko n g
K ab iluga
Pol
K ap riko
rn yo
ng A ntar ktik o
ong Tim o
g
6
Pag-aralan mo naman ang talahanayang ito.
MGA LATITUD
MGA HALIMBAWANG BANSANG NASASAKUPAN
KLIMA
KINAROROONAN
Mababang Latitud
Mainit sa buong taon Klimang Tropikal (may panahong taginit at tag-ulan)
Mula 0° hanggang 23½°
Pilipinas, Indonesia, Columbia
Gitnang Latitud
May panahong tagsibol, tag-init, tag-lagas at tag-lamig (Humigit kumulang sa tatlong buwan ang tagal ng isang panahon)
Mula 23½° hanggang 66½°
Canada, Australia, , Argentina, Namibia
Mataas na Latitud
Lugar ng mga polo. Malamig na malamig May bahaging 6 na buwang gabi at 6 na buwang araw
Mula 66½° hanggang 90½°
Alaska, Greenland, Iceland
Batay sa talahanayan sagutin mo ang mga tanong. 1. Anong uri ng klima ang nararanasan sa mataas na latitud? 2. Anong mga bansa ang may ganitong klima? 3. Ano ang klimang nararanasan ng Pilipinas? Anong bahagi ng mundo ang kinaroroonan ng Pilipinas?
7
4. Ilang uri ng panahon ang nararanasan sa mga gitnang latitud? Anu-ano ang mga ito? 5. Anu-anong mga bansa ang nasa gitnang latitud?
Ano ang tinatamaan ng sikat ng araw kapag tag-init sa Hilagang hating globo at taglamig sa Timog hating globo?
PAGSANAYAN MO
Ngayon, subukin mo ang iyong natutuhan. pagsasanay sa iyong kwadernong sagutan.
Gawin mo ang mga
A. Lagyan ng angkop na pangalan ang mga patlang ng larawan. 5. __________
66 2. __________
23 4. __________
0 3. __________
23 1. __________
66
8
B. Punan ang patlang ng wastong sagot ayon sa isinasaad ng pangungusap sa bawat bilang. __________
1.
Ito ay matatagpuan sa pagitan ng 23½° sa hilaga at timog ng ekwador.
__________
2.
Apat na uri ng klima ang nararanasan ng mga tao sa bahaging ito ng mundo.
__________
3.
Dalawang uri ng klima ang mararanasan dito na kung saan matatagpuan ang Pilipinas.
__________
4.
Mayelo sa lugar na ito at nasa 66½° hilaga.
__________
5.
Hindi nagpapakita ang araw sa lugar na ito sa timog sa loob ng kalahating taon.
__________
6.
Lugar na may pinakamainit na sikat ng araw.
__________
7.
Ito ay nasa pagitan ng Tropiko ng Kanser at Tropiko ng Kaprikornyo.
__________
8.
Linyang latitud na matatagpuan sa 23½° hilaga ng ekwador.
__________
9.
Matatagpuan ang linyang latitud na ito sa 66½° hilagang latitud .
__________
10. Espesyal na linyang latitud na nasa 0° latitud.
C. Isulat ang K kung may katotohanan ang sinasabi at WK kung walang katotohanan. __________
1.
__________
2.
__________
3.
__________
4.
__________
5.
Diretsong natatamaan sa sinag ng araw ang mga lugar na nasa mababang latitude. Ang kabilugang Artiko ay nasa katimugang bahagi ng mundo. Dalawang uri ng panahon ang mga lugar sa pagitan ng Tropiko ng Kanser at Kabilugang Artiko. Sa gitnang latitude, mainit na mainit ang tag-init at malamig na malamig ang tag-lamig. Sanhi ng pagkaiba-iba ng panahon ng mga lugar sa mundo ay ang pagkiling ng mundo sa aksis nito.
9
D. Tukuyin mo kung saang bahagi ng mundo matatagpuan ang mga sumusunod na bansa. Isulat kung gitna, mataas o mababang latitud. Hanapin sa globo.
1. Canada = _____ 2. Pilipinas = _____
3. Thailand = _____ 4. Australia = _____
5. Alaska = _____
TANDAAN MO
•
Ang mga espesyal na latitud na iniuugnay sa klima ay ang mga sumusunod: - Tropiko ng Kanser - Tropiko ng Kaprikornyo
- Kabilugang Antartiko - Kabilugang Arktiko
•
Ang gitnang latitud, mataas na latitud at mababang latitud ay bahagi ng mundo na nakakaapekto sa klima at panahon ng isang lugar.
•
Ang apat na uri ng klima sa gitnang latitud ay ang taglamig, tag-init, taglagas at tagsibol.
•
Tag-init at tag-ulan ang dalawang panahon sa mababang latitud.
•
Nag-iiba ang uri ng panahon sa mundo dahilan sa pagbabago ng posisyon ng mundo habang lumiligid ito sa araw. Ang pagkiling nito sa aksis nang 23 ½ ang may kinalaman dito.
10
ISAPUSO MO
Sagutin mo ang katanungan ng may katapatan. A. Kung ikaw ay bibigyang pagkakataon na makausap ang mga taong naninirahan sa gitnang latitud o rehiyong temperate, anu-anong mga gawain sa rehiyong tropikal o mababang latitud tulad ng Pilipinas ang iyong maipagmamalaki? (Gamitin ang concept mapping).
Mga Gawaing Ipagmamalaki
B. Sagutin mo. 1. Masasabi mo bang mapalad ang Pilipinas sa pagiging isang bansa na matatagpuan sa mababang latitude ng mundo? Bakit? 2. Kung hindi kaya nakakiling ang aksis ng mundo, ano kaya ang epekto nito?
11
C. Mahalaga bang pag-aralan ang pagbabagu-bago ng klima? (Gamitin ang Discussion Web) Oo • • • • • • • •
___________ ___________ ___________ ___________ ___________ ___________ ___________ ___________
Bakit?
Hindi Mahalaga bang pagaralan ang pagbabagubago ng klima? Bakit?
• • • • • • • •
___________ ___________ ___________ ___________ ___________ ___________ ___________ ___________
PAGTATAYA
Ngayon sukatin mo ang iyong natutuhan tungkol sa modyul na ito. Maaari mo nang umpisahan ang pagsagot sa mga pagsasanay sa ibaba. Isulat sa kwadernong sagutan ang iyong sagot. A. Pillin ang wastong sagot at titik lamang ang isulat bilang sagot. _______ 1. Umiikot ang mundo sa sariling _______. a. latitud c. aksis b. longhitud d. orbit _______ 2. Nakahilig ang mundo nang _______ digri. a. 23½ c. 365¼ b. 66½ d. 24 _______ 3. Ang Pilipinas ay nasa _______ latitud. a. gitnang c. polong b. mataas na d. mababang _______ 4. 364¼ na araw ang pagligid ng mundo sa _______. a. buwan c. orbit b. araw d. constellation 12
_______ 5. _______ ang panahon sa pagitan ng Tropiko ng Kanser at Kabilugang Artiko. a. 2 c. 4 b. 3 d. 5 _______ 6. Ang magkabilang polo ng mundo ay _______. a. napakalamig c. napakahangin b. napainit d. mahalumigmig _______ 7. Ang Tropiko ng Kaprikorniyo ay nasa _______ hatingglobo. a. Hilagang c. Timog b. Silangang d. Kanlurang _______ 8. Karaniwang _______ ang temperatura sa mga lugar na mainit. a. malamig c. mataas b. mababa d. malayo _______ 9. Kung ang bagay ay naiinitan tumataas ang ________ nito. a. hangin c. temperatura b. kalangitan d. kalupaan _______ 10. Kung araw ang bahaging nasisikatan ng araw _______ naman ang hindi nasisikatan a. tanghali c. bukang liwayway b. madaling araw d. gabi
B.
Panuto:
Isulat ang mataas na latitude, gitnang latitud at mababang latitude upang matukoy ang kinalalagyan ng mga sumusunod na bansa. Gumamit ka ng globo o mapa.
1. =
____________________
2. Hawaii =
____________________
3. Argentina = ____________________ 4. Columbia = ____________________ 5. Iceland =
____________________
13
C. Pagmasdan at pag-aralang mabuti ang larawan ng globo at sagutin ang mga katanungan. 1. Bahaging mas matagal na nasisikatan ng araw. _______________ 2. Bahagi ng mundo na kung saan palihis ang sikat ng araw. __________________ 3. Bahaging sinisikatan lang ng araw sa loob ng kalahating taon. __________________ 4. Bahagi ng mundo na may katamtamang init. _________________ 5. Pinakamainit na bahagi ng daigdig. __________________ D. Piliin ang angkop na salita sa loob ng panaklong na bubuo sa tamang diwa ng bawat pangungusap. 1. Matatagpuan sa 23½° hilaga ng ekwador ang Tropiko ng (Kanser, Kaprikornyo) 2. Ang kabilugang (arktiko, antarktiko) an nasa 66½° timog sa gitnang latitud. 3. May (dalawa, apat) na panahon sa lugar ng gitnang latitud. 4. Ang (rehiyong temperate, rehiyong polar) ay hindi tinatamaan ng diretsong sikat ng araw. 5. Tinatawag ding rehiyong tropical ang (mataas, mababang) latitud. E. Tama o Mali: Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at kung hindi ay iwasto. _____ 1. Hindi nagbabago ang klima sa iba’t-ibang lugar sa loob ng isang taon. _____ 2. Sa gitnang latitud ay may apat na panahon. _____ 3. Ang sikat ng araw sa bahaging gitnang latitud ay pahilis. _____ 4. Sa ekwador matatagpuan ang pinakamainit na lugar. _____ 5. Sa bahaging Arktiko at Antarktiko hindi nakikita ang araw.
Kung nasagutan mo nang buong husay ang Pagtataya, binabati kita. Maaari mo nang umpisahan ang susunod na modyul.
14