Baltog – ang nagpaunlad ng mayaman ng lupain ng Bicol, sa pamamagitan ng pagtatanim ng linsa. – ang tumalo sa dambuhalang baboy ramo. – Ang humingi ng tulong kay Handyong upang patayin ang mga halimaw sa Ibalon Tandayag – ang baboy ramo na sumisira ng mga pananim sa lupa ng Ibalon na pinatay ni Baltog. Panikwason & Asog Tribe – ang tribong sumaksi sa napatay ni Baltog na baboy ramo na mapaminsala sa kabukiran. – Ang nagpahayag na ang tawag sa baboy ramong iyon ay “Tandayag” – nakisaya sa mga taga Ibalon sa tagumpay ni Baltog sa pag paslang sa Tandayag Handyong – ang lalaking tumalo sa mga halimaw tulad ng nilalang na iisa ang mata at may tatlong lalamunan sa loob ng sampung buwan, napatay din niya ang halimaw na pating na lumilipad, gayundin ang dambuhalang kalabaw, ang higanteng Sarimao, at ang mga dambuhalang buwaya. Triburon – Ang halimaw na pating na lumilipad Sarimao -ang halimaw na may duling na mata Buringkantada – halimaw na may iisang mata at tatlong lalamunan Oryol – ang halimaw na babaeng serpyenteng na umakit at nanlinlang kay Handyong
– may katangi tanging boses at pinaka mahirap na nakasagupa ni Handyong sa lahat ng halimaw, dahil nakabibighani ito. – ang tumulong rin kay Handyong upang hanapin at paslangin ang iba pang mga halimaw Kimantong – ang nag alay ng mga kagamitang pang bukid kay Handyong. – Tumuklas ng araro, parihuela suklay at ganta Hablom – ang nag alay kay Handyong ng tuklas niyang hubulan na pang habi ng damit. Sural – ang nag alay kay Handyong ng tuklas nyang panitik (alphabet) at unang sumulat sa putting bato Dinahongm / Dinaghom – ang Agta na nag bigay kay Handyong ng mga kagamitan sa pagluluto Bantong – ang ikatlong bayani ng Ibalon. – Ang matalinong mandirigma na nagsama ng libu-libong kawal upang sugpuin ang nilalang na kalahating halimaw at kalahating tao na ginagawang bato ang lahat ng nabubuhay Rabot – ang kalahating tao at kalahating halimaw na nilalang na may kakayahang gawing bato ang lahat ng nabubuhay. – Isang halimaw na mahilig matulog. – Tinalo ni Bantong