Banghay-aralin sa Filipino (Antas ng Wika) I.
Layunin: a. Naisa-isa at naipaliliwanag ang katuturan ng salita ayon sa antas. b. Napahahalagagahan ang mga pananalitang gingagamit sa pakikipagkomunikasyon. c.
Nakasusulat ng maikling usapan o dayalogo na ginagampanan ng mga salita ayon sa antas.
II. Paksang-aralin Paksa: Antas ng Wika ( salita ayon sa pomalidad) Sanggunian: Badayos, P.B et.al. Komunikayon sa Akademikong Filipino (2001). P. 11-14 Kagamitan: Computer III. Paglalahad a.
Pagganyak Magpapakita ang guro ng larawan.
b. Pagtalakay Pagbibigay ng input ng guro. - Antas ng wika (salita ayon sa pormalidad)
Balbal Ang itinuturing na pinakamababang antas ng wika. Ito ay karaniwang ginagamit sa lansangan. Karaniwang ito ay binubuo ng isang grupo. Hal. Parak – pulis Eskapo – tumakas Koloyal Ito ang mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita. Hal. Naron Meron Lalawiganin Ito ang mga salitang karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa mga lalawigan. Hal. Tagalog Ilokano alis pumanaw kanin inapoy
Pambansa Ito ang mga salitang ginagamit sa mga aklat, babasahin at sa sirkulasyon ng pangmadla. Ito rin ang wikang ginagamit sa paaralan at sa pamahalaan. Hal. kasiyahan aklat Pampanitikan ito ang pinakamayamang uri. Mayaman ang antas na ito sa paggamit ng idyoma, tayutay at iba’t ibang tono, tema at punto. Hal. kaututang dila Balat sibuyas c.
Pagsubok ALAMIN NATIN Panuto: Tukuyin ang antas ng wika ang napapaloob sa mga sumusunod na linya ng patalastas. 1. “Sa mata ng bata, ang mali ay nagiging tama kapag ito’y ginagawa ng mas matanda.” - (Nestle Philippines) 2. “Japorms ka ba o hindi? Magpakatotoo ka!” - (Sprite na ‘to commercial 2000) 3. “Donut, bay! Donut, bay!” -(Ad Congress sa Cebu) 4. “Ayokong maging dukha!” - (DBP) 5. Bawal-bawal ka diyan. And so what kung gabi? Magkakape ako kung gusto ko,’no? Decaffeinated naman. So puwede pa rin akong makatulog. Ang sarap kaya. Try mo! - (Nestcafe ) d. Paglalapat Isulat mo! Panuto: Bumuo ng isang patalastas gamit ang antas ng wika sa mga sumusunod naprodukto. > sabon > inumin > pabango
IV. Paglalagom: Tanong: Gaano nga ba kahalaga ang wika sa pakikipagtalasatasan o pakikipag-usap? Inihanda ni: Rovielyn May L. Despolo BSE Filipino