Alay namin sa Iyong pagdating, kabutihan, pag-asa't mga pusong tapat. Samo namin ay Iyong dinggin, galak at kapayapaan nawa ay kamtin.
Itong alak at tinapay, mga bungang alay: halo ng pawis at biyaya ng langit. Sa aming pag-ibig sa kapwang kapatid, bubunga ng buhay na Iyong bigay.
Sa isang mapayapang gabi Kuminang ang marikit na bituin At tumanod sa himbing na pastulan, nag-abang
Pagkagising ng maralita Nabighani sa bagong tala, naglakad At tinungo sabsabang aba
Hesus, bugtong na anak ng ama Tala ng aming buhay, liwanag Kapayapaan, kahinahunan Kapanatagan ng puso
Giliw ng Diyos at pagasa ng maralita Ng abang ulila Biyayaan Mo kami ng pagtulad sa Iyo Nang magningning bilang 'Yong mga bituin
Sa isang pusong mapagtiis Kuminang ang marikit na bituin At doon nanatili, nagalab, nagningning
Taimtim nating kalooban Ginawa Niyang Kanyang himlayan, dalanginan Nilikha nIya'ng sabsabang aba